Alam naman natin na maraming business na rin ang
nagsusulputan. Marami na ang halos magkakamukha
at magkakatulad. So paano manalo sa competition?
Ngayon, gusto rin nating magtayo ng sarili nating brand
kaya kailangan kilalanin din ang competitors natin at
alamin ang kanilang strengths and weaknesses.
Kung yun ang strengths nila, hindi na natin gagayahin
yun, pero kung ano ang weakness nila or kung ano ang
wala sa kanila, doon tayo magfo-focus para maiba tayo.
Here are some practical tips to win in a competition.
ADD TO YOUR PRODUCT
Halimbawa, we want to sell cupcakes or pastry products.
Sa dami na nagtitinda nito at masasarap din, ano ang
wala sa kanila? Ano yung pwede nating idagdag sa atin?
Let’s say dagdagan natin ng ibang flavors yung mga
cupcakes natin o kaya may ibang variants like may mini cakes.
Paunti-unti subukan natin na related sa original product natin.
Kung may parlor ka naman, nandyan na rin lahat tulad ng gupit,|
may kulay then may mani and pedi, pero pwede mong
dagdagan ng massage after ng service. So ‘di ba kakaiba?
Kailangan lang creative tayo lalo na kung marami ang
mga gaya-gaya o copycats. So trial lang muna then kapag
nag-click, pwede na nating ilagay talaga sa services natin.
Then isip na naman ng panibago pero tandaan na kailangan
hindi lang new customers ang target natin. Kailangan target
din natin ang retention ng mga customers natin.
Another way para magkaroon tayo ng edge is to
BUNDLE YOUR PRODUCTS
Kung may marami na tayong variants, pwede na tayong
mag-offer ng mga bundles. Like kung bibili ng 2 boxes ng
cupcakes, may free na mini cakes. So compute din natin.
O kaya kung dati may free massage, huwag pa rin alisin yun
pero pwede na rin nating i-offer yun separately. So ngayon
madadagdagan ang options ng mga customers natin.
Pwede rin naman na mix and match natin, this month
kapag nagparebond, may free manicure. Then next month
naman may free facial. Basta related lang din sa service natin.
O kaya hanap kayo ng ibang beauty products. Let’s say kapag
nagpa-color ng hair, may free lipstick. Then kapag pumatok,
sa susunod na buwan, pwede na nating ibenta separately yun.
Kailangan lang kung ano ang in demand yun yung i-target
natin then ipasok yung bago na sa tingin natin ay pwedeng
maibenta at kikita rin in the future. Again just be creative.
Next is of course to
PROMOTE YOUR PRODUCTS
Kailangan itapat natin sa season. Like Pasko. Syempre
marami ang reregaluhan ng mga customers natin. So
pwede tayong magbigay ng mga gift cards sa kanila.
Ngayon pa lang pwede na nilang simulan. Kung makabibili
sila ng cupcakes n’yo ng 6 boxes cumulative hanggang month
ng December, pwede sila magkaroon ng discount or free.
Depende na rin ‘yan sa diskarte. Kung may ibang products din
na patok at mabenta, kung marami ang mabibili ng customers,
bigay tayo ng prormo sa kanila para mas maenganyo sila.
Hindi natin habol dito ang pagtaas lang ng sales natin, pero
mahalaga rin kasi ang retention ng mga customers natin
dahil sila rin ang pwedeng mag market mismo sa atin.
So isipin natin ang mga possible events like Valentine’s day,
Mother’s day, Fathers’ day, Teachers’ day, Halloween,
at Christmas. Kailangan sabayan natin ito para makilala tayo.
“Huwag matakot sa mga competitors sa negosyo.
Mahalaga ay creative tayo at may magandang serbisyo.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pinaka patok sa business mo ngayon?
- Anu-ano ang pwede mong idagdag sa product line or service mo?
- Paano mo itatarget ang new customers at ma-retain ang old customers mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.