Kamusta ka today?
Did you wake up on the right side of the bed?
Well, pagod man, puyat or sadyang inis lang, hindi dapat tayo maging “cranky” o iritable.
Huwag natin itong ipasa sa iba.
Lahat tayo may kakilalang wala lang sa tamang hulog.
Yung feeling nila pwede na nilang ilabas sa iba ang sama ng loob.
Kapag tinanong mo bakit sila masungit, ang sagot:
“Ikaw kasi, eh!”
“Huh! Ano ang ginawa ko?”
Parang kasalanan pa ng iba na hindi maganda ang mood nila!
Wow naman!
Para hindi ka mauwi sa FB post na #crankymode, subukan mo muna ito..
CHILL
(Photo from this Link)
Magpalamig muna ng ulo.
Iwas muna makipag-usap kahit kanino kung wala pa sa tamang timpla.
Maniwala ka!
Mapapasa mo lang sa iba yung sama ng loob mo.
Ask for a time out from your office mates, friends, relatives, kids or spouse.
VENT
(Photo from this Link)
Talk to someone na makakaintindi sa atin at kung saan nagmumula ang galit.
Sila ang mga tipong hindi tayo huhusgahan at hindi tayo papaningan kung may mali.
SEEK GOD’s GRACE
(Photo from this Link)
Pray muna friend.
Ask God for guidance.
Pray for wisdom na mawala itong nararamdaman natin.
Kailangan nating magkaroon ng kaliwanagan sa isipan para makapag desisyon ng maayos.
“Ang taong masungit, PUMAPANGIT! Ang maunawain, PAGPAPALAIN!”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kamusta na yung araw mo today?
- Maganda ba ang mood mo o hindi?
- Ano ang naging reaksyon mo?
======================================================================
WHAT’S NEW ON YOUTUBE:
“Big Earnings, No Savings”
Anong pwedeng gawin para mabayaran ang mga obligasyon? Watch this video now: http://bit.ly/2wt0oi9
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.