Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

THE SEARCH FOR CONTENTMENT

October 21, 2019 By Chinkee Tan

Masaya ka ba? Masaya ka ba talaga?
Haha kulit noh?
Pero ano nga ba ang nagpapasaya sa atin?

Syempre masaya kung may maganda tayong bahay,
nabibili natin ang mga gusto natin, nakakain natin at
napupuntahan ang mga trip natin.

Pero bakit minsan, parang may kulang pa rin?
Hindi nga ba talaga tayo kuntento o hindi natin alam
kung paano makuntento sa kung ano ang mayroon tayo?

So in this blog, let’s search the ways to make us feel
more contented in life.

Table of Contents

Toggle
  • CHANGE WITHIN OURSELVES
  • GOD’S GIFTS
  • SERVICE TO OTHERS
  • THINK. REFLECT. APPLY.

CHANGE WITHIN OURSELVES

Madalas gusto natin na ibang tao ang mag-adjust sa
atin. Kailangan magkapalagayan muna ng loob bago
natin matanggap na kailangan natin mag-cope sa
mga pagbabago sa paligid natin.

“Ito ako eh. Nagpapakatotoo lang.”
“Ganito ako. Ito ang totoong ako.”

Okay, I get it. Tama naman talaga na magpakatotoo
tayo sa sarili natin at sa ibang mga tao. Pero paano
kung sa pagpapakatotoo natin ay may mas kailangan
pa pala tayong i-improve?

Paano kung sa pagpipilit natin ng ating totoong ugali ay
magkakaroon lang ng gulo at mas lalala ang mga problema
at ‘di pagkakaintindihan?

Kaya kailangan, marunong tayong lumugar sa totoong
pag-uugali natin. Kung kailangan magbago ay dapat
handa tayong tanggapin ito because people around
us are

GOD’S GIFTS

Sila ang pamilya natin, ang mga kaibigan natin, ang ating
mga kasamahan, mga taong tumulong sa atin kung
paano bumangon at maniwala sa ating mga sarili.

Sila ang mga taong biyaya ng Panginoon sa atin. Kaya
huwag nating hayaang ilayo ang ating mga loob sa
kanila kahit sa kabila ng mga ‘di pagkakaunawaan.

Kailangan matutunan nating pahalagahan ang mga
tao na karapat-dapat pahalagahan. Huwag nating
hayaan mawala sila sa buhay natin bago natin
ma-realize kung gaano sila kaimportante.

Hindi lamang pisikal na bagay ang magpapasaya
sa atin dahil may mga sitwasyon sa buhay natin
na maaaring mawala ang lahat ng mga bagay na
mayroon tayo, at sa huli, sila na lamang ang nanatili
na mayroon tayo sa buhay natin.

Lagi nating ipagpasalamat sa Panginoon na binigay
Niya sa atin ang ating asawa, ang ating anak, ang
ating mga kaibigan, ang ating mga katiwala, o kahit
sinupamang mga tao na laging tumutulong at
sumusuporta sa atin. So never forget to be at

SERVICE TO OTHERS

Huwag din nating ipagkait ang mga pagkakataon na
makasama natin sila at maibigay ang saya na maaari
nating maibalik sa kanila.

Sa kahit na anong paraan, kahit ito ay tulong o trip
lang hahaha basta mahalaga ay genuine ang ating
pagpapahalaga sa mga taong ito.

Hindi natin kailangan ipagdamot ang ating oras o mga
resources sa kanila. Spend quality time with these
great people. Sila ang bahagi ng buhay natin.

Bawat isa sa kanila ay bumuo sa kung sino talaga
tayo at makita ang totoong purpose natin sa mundo.
Maliit man o malaki ang kanilang kontribusyon sa
buhay natin, sila pa rin ang mga taong hindi tayo
tatalikuran at iiwan kahit anong mangyari.

Kaya huwag nating ubusin ang ating panahon
kabibili ng mga bagay na pansamantala ang
saya na mabibigay sa atin, kundi

“Spend time with people we love and always thank God
for He has given us great gifts that will never make us sad.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sinu-sino ang mga taong biyaya ng Panginoon sa iyo?
  • Lagi mo bang ipinapagpasalamat ang mga ito sa Panginoon?
  • Paano ka nagiging biyaya para sa ibang mga tao?

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: contentment Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.