Isang basehan nang ating pagkatao ang uri ng mga kaibigan na mayroon tayo. Totoo, your friends are a reflection of yourself. Aminin man natin o hindi, malaki ang impluwensya ng mga kaibigan natin sa ating paniniwala, pag-iisip, pagsasalita, at pagkilos.
CHOOSE YOUR FRIENDS CAREFULLY
Marami tayong makikilalang tao pero hindi lahat ay pwede natin ituring na kaibigan.
Piliin natin iyong mga taong malapit sa atin na mapagkakatiwalaan natin, masaya sa bawat tagumpay natin, at matutulungan tayo nang buong puso sa mga pagsubok na haharapin natin.
Be friends with people with similar values and goals as you. Sila ang mga taong iimpluwensiyahan kang maging mas mabuting tao at ipu-push ka sa pangarap na nais mong abutin. Sila ang mga babasa ng mga nobela mo, ang manunuod sa bawat talent competition na sasalihan mo, ang titikim ng bawat recipes mo, at tatangkilik sa business na itatayo mo.
CHOOSE THE FRIENDS YOU ARE MOST COMFORTABLE WITH
Doon tayo sa kumportable tayo, sa kaibigang maiintindihan at tatanggapin yung totoong tayo. Doon tayo sa kaibigang hindi tayo ipe-pressure magpanggap.
Kapag nakahanap tayo nang kaibigang masaya nating makakasama nang walang halong pagpapanggap, doon lang natin mae-enjoy ang bawat oras na kasama natin sila. Doon lang din tayo magiging kumportable na i-share sa kanila maging ang mga malulungkot na bagay na nararanasan natin sa buhay.
FRIENDS INFLUENCE EACH OTHER POSITIVELY
In reality, wala kang mahahanap na perpektong kaibigan at hindi ka rin magiging perpektong kaibigan. Maaari nating piliin ang mga kaibigan natin pero hindi tayo makasisiguro na palagi silang nasa tamang direksyon ng buhay.
Kung sakali mang mapunta sa maling direksyon ang kaibigan mo, huwag mo siyang sundan. Iwasan natin ang negative influence nang iba, lalo na sa mga taong itinuturing nating kaibigan. Sa halip, tulungan natin silang makabalik sa tamang direksyon.
Instead na sundan mo siya sa madilim na daan, hilahin mo siya papunta sa tama at maliwanag na daan. Instead of letting your friends influence you with vices and negativities, influence them with healthy and positive things instead.
Sabi nga sa isang classic na kanta, that’s what friends are for. We should be each other’s source of motivation, encouragement, and positivity.
“Okay lang na konti lang ang kaibigan basta positive ang mindset at masaya ang buhay mo dahil sa kanila.”
Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Are you friends with the right people?
- Paano ka natutulungan ng mga kaibigan mo sa goals mo sa buhay?
- Anu-ano ang mga pwede mong planuhin with your friends para mas maging successful kayo sa buhay?
————————————————————-
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.