Heavy traffic.
Krimen araw-araw.
Maliit na sweldo.
Paano ka pa nga ba
Magpapaka-positibo kung ganito
ang realidad natin?
Talagang mahirap.
Maski naman ako
gusto nalang mainis.
But then again lagi kong iniisip na
WE HAVE A CHOICE.
A CHOICE to…
EXPECT THAT GOOD THINGS WILL HAPPEN
(Photo from this Link)
Kapag mag bi-business:
Sa halip na: “Baka malugi ako.”
Dapat: “Parating na ang big break ko.”
After makuha ang diploma:
Instead of: “Mahihirapan ako maghanap ng trabaho.”
Say: “Makakahanap din ako!”
Kapag binigyan ng bagong task:
Imbes na : “Hindi ko kakayanin ‘to!”
Say: “Aaralin ko ito!”
Kapag negatibo ang inisip,
Iyon ang mangyayari.
When we think otherwise,
The results will likewise change.
SEE THE GOOD IN EVERYONE
(Photo from this Link)
Kahit pa kumukulo ang dugo natin sa kanya..
Parang siya ang tinik natin sa buhay..
A person will always have at least
one good trait na pwede nating tutukan.
Maaaring mahilig manigaw sa atin
pero magaling siyang mag-tama ng mali.
Lagi na lang nangungutang
pero dahil ito sa kagustuhan niyang
matugunan ang mga needs ng pamilya.
Try to look beyond what you only see.
SEE THE GOOD IN EVERY SITUATION
(Photo from this Link)
Kapatid, huwag nating pangunahan ang pangyayari.
Mahirapan man o
‘di man natin nakikita pa ang dulo
pero lahat iyan may magandang patutunguhan.
Kailangan lang nating mag-tiwala.
DO WHAT IS RIGHT
(Photo from this Link)
Ginagawa ba natin ang isang bagay
dahil convenient or
dahil iyon ang tama?
Minsan kasi we go for shortcuts kahit na mali.
Nandiyan ang:
- Under the table transactions para mapabilis
- Singit sa pila
- Cheating para makapasa
- Beating the red light para makarating kaagad
Hindi pwedeng laging easy way out.
Kung hindi tayo matututong maghintay at
hindi natin mararanasan ang mahirapan
We’ll always just end up doing what is wrong.
BE GRATEFUL
(Photo from this Link)
“THANK YOU”
“SALAMAT”
Simpleng salita pero
Malaki ang impact.
Being grateful sa maliit o malaking bagay
will make us think how blessed we are.
Na-late?
Thank you pa din kasi baka iniwas tayo sa disgrasya.
Iniwan ng mahal sa buhay?
Salamat pa din kasi tinuturuan tayong maging matatag.
There’s so much to be thankful for.
Kailangan lang natin makita ito.
“Ang positibong pananaw ay nakakagaan ng araw.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Alin sa mga ito ang hirap tayo gawin?
- Bakit naman?
- Are you willing to choose to be positive?
=====================================================
WATCH THE YOUTUBE VERSION:
“5 Choices to Make to Live a Positive Life”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2y9IVvL
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
BULK ORDER PROMO EXTENDED!
Get up to 50% OFF when you order “Diary of a Pulubi” in bulk today!
10 Books P750 / Free Shipping
20 Books P1,500 / Free Shipping
40 Books P3,000 / Free Shipping
Available NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2xZMhSi
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.