“WALA AKONG CHOICE KUNG..”
“Mahirap lang kami.”
“Ganito lang ang buhay namin.”
“Hindi ako makalabas sa utang.”
“Nalulong ako sa bisyo.”
Iyan ang kadalasan nating excuse
sa tuwing nakararanas tayo ng hindi maganda sa ating buhay.
Sinisisi natin sa iba’t ibang mga dahilan
para hindi tayo mismo ang masisi.
Sorry kung magiging KJ ako
pero hindi totoong wala tayong choice.
Gaya ng pagpili ng isinuot natin ngayon.
Tayo ang nag-decide.
Walang nagdikta.
Ganon din sa buhay.
Ano ba ang kailangan natin tandaan tungkol dito?
WE ALWAYS HAVE A CHOICE
(Photo from this Link)
Nand’yan ang:
- YES or NO
- TAMA o MALI
For a reason.
Tulad na lang sa everyday decisions natin.
Halimbawa:
Kung lubog sa utang,
mananatili ka ba sa ganitong sitwasyon o
maghahanap ng pagkakakitaan para makabayad?
Kung mahirap ang buhay,
makukuntento ka na lang ba dito o
patuloy na magsisikap at mangangarap?
Ang tanong nga lang dito ay kung
SAAN natin gusto pumunta?
CHOICES CAN BE OVERPOWERED
(Photo from this Link)
Akala natin minsan wala tayong choice
dahil may ibang nag-take control.
Or feeling natin,
ito na yung kapalaran natin kaya dito napadpad.
Wala DAW choice dahil…
- Magulang ang pumili ng career.
- Wala ng ibang trabahong available.
- Tinanggal tayo ng management.
Nandito na ‘to.
Wala na tayong magagawa.
Because these things are uncontrollable.
So, saan ngayon pumapasok ang pagpili?
Sa paraan on HOW YOU WILL REACT.
Will you choose to remain miserable?
Or will you choose to accept and love where you’re at?
‘WALA AKONG CHOICE’ MINDSET IS ALSO A CHOICE
(Photo from this Link)
Inisip natin na hanggang dito na lang tayo.
Tinanggap natin na wala na tayong pag-asa.
Kaya napapag-iwanan tayo kasi
we chose to be stuck instead of thinking the other way around.
Imbis na sa ganitong paraan,
choose what you think is the best for you.
By doing so, malaking impact ang mangyayari
sa ating buhay na akala natin ay wala ng solusyon.
“We always have choice on how we will react on things.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano yung mga akala mong wala kang choice?
- How will you react on this?
- Are you going to choose to be positive or negative?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ Shopping Now, Pulubi Later ”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2zEdKbj
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
BULK ORDER PROMO AVAILABLE
Get up to 50% OFF when you order “Diary of a Pulubi” in bulk today!
10 Books P750 / Free Shipping
20 Books P1,500 / Free Shipping
40 Books P3,000 / Free Shipping
Available NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2xZMhSi
=====================================================
MONEYKIT PACKAGE
1 Moneykit + 8 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.