Hello mga Iponaryos! Parami na tayo nang parami kaya naman natutuwa ako dahil marami na talaga ang mga natututo sa pag-iipon! Kaya siguradong marami na rin ang magiging milyonaryo d’yan!
Oy, huwag n’yo akong kalimutan ah. Lol!
But kidding aside, alam ko ngayong 2020 marami talaga tayong goals sa buhay. Marami tayong plans sa sarili natin at sa ating pamilya, kaya naman naisipan kong gawin ang mga ito.
COUPLE IPON CHALLENGE
Kung kayo ay mag-asawa or engage na kayo, subukan n’yong gawin din ito.
So sa tuwing pay day n’yo, magtabi ng 500. O kung magkanong halaga ang mapagkasunduan ninyong dalawa. Magandang simula ito para sa future and dreams ninyong dalawa.
Pwede rin naman na every monthsary ninyo, magtatabi kayo para naman sa dream wedding or dream house ninyo. Basta anything na gusto ninyong matupad.
Kung ikaw naman ay single, pero maraming tropa! Oh gawa rin ng
BARKADA IPON CHALLENGE
Oo pwede yan!
Ipon challenge para sa travel goals ninyo! Imbes na ipang milk tea n’yo, itabi n’yo muna para sa ipon challenge ng barkada.
O kaya naman kung gusto n’yo ng get together sa Pasko, oh, ‘di ba may 12 months talaga kayo para mapag-ipunan ito!
Syempre bawal ang utang dyan! Hahaha!
Dapat magtulungan para sa dream din ninyo. Huwag puro drawing, kailangan may action din!
At syempre, hindi naman mawawala ang
60K IPON CHALLENGE
Ito naman yung kada may matatanggap ka na sukli o kaya naman galing sa sweldo mo, pwede kang magtabi ng certain number of bills para mabuo ang 60K Ipon Challenge!
You will just shade the circle sa aking Piso Planner. So ikaw na rin bahala kung para saan ang 60K na maiipon mo. Pwedeng panimula ng emergency fund n’yo o kaya naman pang tuition ng anak n’yo.
Ang mahalaga magkaroon ng disiplina para mag-ipon at huwag matakot sa mga challenges sa buhay dahil marami tayong matutunan sa mga ito.
“Huwag maging petiks at laging makuntento
-
- kung pwede namang i-challenge pa ang sarili mo.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga couple goals ninyo?
- Anu-ano ang mga plans ng barkada ninyo?
- Paano mo makukumpleto ang iyong 60K Ipon Challenge?
As a response to the recent Taal Volcano eruption, we extend help to the victims in our own simple way.
For every purchase of Piso Planner Kit, we will donate 1 pair of slippers.
Piso Planner Kit includes:
PISO PLANNER with FREE Dairy of Pulubi and Ipon Diary
BY INVESTING P499 + 100 SHIPPING FEE, Nakapagbadyet ka na, nakatulong ka pa!
Grab now and use the #TaalRelief.
Click here: http://bit.ly/36Zgj7q
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.