“Kapag ako, kumikita na ng one million a month, I am sure…matatahimik na ang kalooban ko at magiging masaya na ako.”
Can money really buy happiness?
I’m sure we’ve heard stories of ultra-rich people na nalulungkot, kahit walang hangganan ang kanilang mga yaman. Bakit kaya?
Naniniwala akong hindi kayang bilhin ng pera ang tunay na kaligayahan ng isang tao. Maaari kang lumigaya sa isang saglit, pero hindi rin ito magtatagal.
Oras na maubos na ang pera mo, matatakot ka na ulit.
Oras na nabili mo na ang latest gadget at nagamit mo na ito, malulungkot ka na muli.
Once na hindi mo na kasama ang mga masasayang kaibigan mo, malulungkot ka na muli.
Once na nakain mo na ang gusto mong pagkain, mahihirapan ka nang maglakad at huminga at maghanap ulit ng bagong makakainan.
Hindi mo ba napapansin, friend? Parang hindi natatapos ang kalungkutan at kakulangan sa buhay natin.
Kung gusto mo talagang lumigaya ng pangmatagalan at hindi lang pansamantala, kailangan nating malaman kung ano ang purpose ng pera.
Ang pera ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos para ito ay maging pagpapala sa iba, para makatulong at maibsan ang kahirapan ng iba.
Pag-isipan mo ito ng mabuti…
Naniniwala rin akong maaari nating gamitin ang pera para magdulot ng kaligayahan sa ibang tao, especially sa mga mahal natin sa buhay.
‘Di ba ang sarap ng pakiramdam na sa tuwing ipapasyal mo ang mga anak mo, siguradong magiging maligaya sila at magkakaroon sila ng bagong memories with you?
‘Di ba ang sarap ng pakiramdam na maipadama mo sa asawa mo na mahal mo siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pang-shopping at iba pang pangangailangan niya?
‘Di ba ang sarap ng pakiramdam kapag nalilibre mo ang mga kaibigan mo ng merienda?
‘Di ba ang sarap ng pakiramdam na matulungan ang kaibigan mo sa kanyang financial situation?
Siguradong ikaliligaya ninyo itong pareho.
Anong ibig sabihin nito?
Hindi talaga pera ang nagpapaligaya sa atin. Ang tunay na nagpapaligaya sa atin ay kapag nakakaambag at nakakatulong tayo sa ibang tao.
Yes, money can’t buy happiness. But, money can bring happiness if we become a blessing to others.
Sana magsilbing aral ito sa atin. Kung gusto mong lumigaya ka sa iyong buhay, humanap ka ng taong matutulungan mo at maging BLESSING sa iba at ibigin mong tunay!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang nagpapaligaya sa iyong buhay?
When was the last time na nakatulong ka at anong naramdaman mo?
Bakit hindi natin isipin kung paano tayo magiging blessing sa iba araw-araw?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Here are a few more related posts:
- Tips To Have A Healthy Happy Life
- Paano Ba Maging Masaya Para Sa Iba?
- Tips To Have A Healthy Happy Life
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.