Naranasan n’yo na bang EXCUSES
mamasyal kasama ang mga kamag-anak
at kaibigan, ang saya saya
ang daming nakain tapos nung bayaran na,
UNTI-UNTI SILANG NAWAWALA?
Kesyo:
- Nag CR?
- May titignan sa labas?
- Naiwanan ang CP sa kotse?
Minsang may nakapagkwento sa akin nu’n,
ang dami-daming nagsipag order
tapos nung andyan na yung bill,
naging statwa daw lahat!
Walang kumikibo.
Walang naglalabas ng pambayad.
Mga friendship, bakit naman ganon?
“Eh nag-aya siya kala ko siya magbabayad.”
“Ay hindi ba libre ito?”
“Balikbayan ‘yan automatic na yun!”
Nakatatawang ganito tayo mag-isip kung minsan.
Magkaiba kasi yung nag-aya
sa diretsahang sinabi na sila ang magbabayad.
Kaya habang walang sinasabi
o maski sinabi man, huwag tayo
mag-a-assume na sagot lahat nila.
Magdala ng extra money para libre man o hindi,
tayo ay handa at hindi na natin kailangang gumawa ng
technique para lang makatakas.
Halimbawa:
“MAG CR LANG AKO AH” bunot
Photo from this link
Sa tinagal-tagal ng ating kwentuhan
at pag-upo sa restaurant,
kung kailan bayaran na saka tayo naihi?
‘Di bale sana kung bago tumayo
ay mag-aabot tayo ng ambag,
pero kung gagawin natin ito
para makatakas, hindi na maganda.
Pinapakita lang natin na tayo
ay sumama lang dahil convenient sa atin
pero once na may responsibilidad na,
umeskapo ang ating nagiging solusyon.
HUWAG NATING IASA SA IBA bunot
Photo from this link
Porke ba sila ang nag-aya,
balikbayan sila, o sila ay may kaya,
automatic sila na kaagad ang taya?
Tandaan natin parati na lahat
tayo ay nagpapakapagod magtrabaho at
lahat tayo ay may pinagkakagastusan din
kaya hindi dahilan ang mga ito para
iasa natin sa iba ang ating kakainin at gagastusin.
Dalawang bagay lang ‘yan eh.
Kapag um-oo tayo sa isang lakaran,
dapat may extra tayong pera,
Kung mailibre man, good, kung hindi, at least ready tayo.
Kung walang extra, huwag na lang sumama.
Period.
HUWAG TAYO MASYADONG GAHAMAN bunot
Photo from this link
Sabihin na nating napaka generous ni friend.
Ang saya ‘di ba? Sogbu na ang mga tiyan,
Libre pa pati sasakyan, gas, at toll.
Pero sana huwag naman tayo abusado.
Anong ibig kong sabihin?
Sila nakatubig, tayo nag-mango shake na
with matching dessert pa!
Sila na nga nag-provide ng sasakyan,
ultimo yung pamangkin, anak,
o kapatid eh sinama pa natin sa lakad nating magbabarkada
nang hindi nila alam.
Okay kung mailibre tayo,blessing ‘yan,
pero tayo’y sumubok din na mag-abot kahit magkano lang.
Kahiyaan man lang ba.
Kung ayaw talaga magpabayad,
let’s try to be sensitive.
Huwag tayo umorder na kala mo end of the world.
Dapat wala sa mindset natin yung:
“Siya naman ang magbabayad”
Dahil kung ganito na rin lang,
lalabas at lalabas na tayo’y abusado
na sa kabaitan nila.
“Kapag may lakad ang pamilya at barkada, siguraduhing may dalang extrang pera.
Para pagdating ng bill, hindi natin kailangan biglang mag CR o
magbingi-bingihan para lang makatakas sa ambagan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapag may lakad ba, nakaasa ka o nag-aambag ka rin?
- Sumasama ka lang ba dahil libre?
- Anong gagawin mo para naman hindi maging abusado?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIARY SERIES Buy 1 Take 1
450 + 100 shipping fee (for limited time only)
To order, go to http://bit.ly/2Qot2vv
BAGONG TAON, BAGONG BUHAY Buy 1 Take 1
399 (Early Bird Rate, for limited time only)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEM
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“Where we can earn the most: Stock vs. Real Estate?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Q0hKOF
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.