We all have this thought na magkaro’n ng
tinatawag nating “dream boss” o “dream employer”.
Yun bang kahit gaano pa ka-toxic ang trabaho,
kahit gabundok na things to do pa ang kaharap
okay lang, kayang kaya dahil alam nating
may boss tayong aalalay at gagabay.
May nabasa ako noon na ang dahilan
daw kaya nagtatagal ang empleyado sa trabaho
ay dahil sa mga kasama nito at
secondary na lang ang sweldo.
Hmm, may point.
Imagine this:
May sahod tayo na P50,000
pero ang boss natin ay lagi tayong
sinisigawan, pinapahiya,
tinatrato na parang hindi tao…
Are we still going to stay for long?
I doubt it.
Kumpara sa P15,000 na sweldo
na may boss na pinupush tayo
to improve on what we do and
will say the nicest things just to
make us feel confident about ourselves.
Isang ganap na leader, right?
Aalis ba tayo?
I don’t think so.
Dahil para sa atin aanhin natin
ang malaking sweldo kung
‘di naman tayo tinatrato ng maayos.
(Besides, pwede naman maghanap ng extra
para madagdagan ang cashflow.)
Ano ba ang characteristics ng isang
tunay na BOSS- LEADER?
MARUNONG SIYA MAKINIG boss
(Photo from this Link)
Ang tunay na lider
hindi siya nag fi-feeling na siya lagi ang tama.
Hindi siya yung:
“Boss ako, wala kang magagawa.”
“Sumunod ka na lang pwede?”
“Alam ko na ‘yan, okay?”
No, they won’t do that.
Kapag tama, tama.
Kapag mali, mali.
Aaminin nila ito at hindi
mahihiyang magtanong kung
saang area sila nagkamali.
They know how to listen and
they will take this professionally.
HINDI SILA NAMAMAHIYA NG TAO boss
(Photo from this Link)
Wala sa bokabularyo nila yung:
Bobo!
Walang alam!
!@#$%^
…at kung anu ano pang mga
salitang nakasasakit ng damdamin ng ibang tao.
Hindi lang dahil alam nilang masakit ito
kundi dahil para sa kanila
wala namang gano’ng tao.
Kung nagkamali, normal lang iyon.
Kaya kakausapin lang ng maayos,
gagabayan, at tuturuan para sa susunod
kayang kaya na.
Kung magkamali ulit,
sige lang, turo uli.
Hindi nila titigilan hanggang makuha.
Magti-tiyaga sila.
Naniniwala kasi silang hindi kailangang
ipahiya at sigawan yung tao.
The more that we hurt people’s feelings
mas lalo silang hindi magiging productive.
Mas mawawalan ng gana matuto.
KUNG KAYA GAGAWIN AT HINDI IAASA. boss
(Photo from this Link)
They may have their staff, yes.
And of course, kailangan nila ng mag a-assist.
Pero hindi lahat iaasa nila.
“Timpla mo nga ako ng kape.”
“Tawagin mo yung maintenance.”
“Ihanap mo nga ako ng short bond paper.”
Kung kaya naman nila, sila na gagawa
especially yung mga simpleng bagay.
They understand na busy din ang ibang tao
kaya kailangan respetuhin ang kanilang oras.
Gaya ng pagrespeto ng iba sa oras nila.
They don’t depend too much.
If they can, they will.
Kung hindi kaya, saka sila lalapit.
“Ang tunay na BOSS LODI ay yung marunong makinig at hindi nangmamata ng tao
dahil naniniwala siyang pare-parehas lang tayo na nangangailangan ng respeto.”
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay isang boss? Or may boss ngayon?
- Kamusta ang inyong pakikitungo?
- Paano mo sila gagabayan ng maayos?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“IS THERE A NEED TO REGISTER ONLINE BUSINESS?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Jx48aq
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.