Single Blog

Bonggang Date Now, Pulubi Later

maging simple practical at matipid sa pag bonding

  • Movie dates sa mamahaling theater.
  • Out-of-town trips.
  • Pricey restaurants.
  • Shopping to the max.

Ito ba ang weakness ninyong mag-asawa, mag-boyfriend, o mag-girlfriend?
Walang masama sa pag-date at pag-bonding, just make sure na ito’y hindi uutangin!

Kung anong saya niyo ba, ay siyang lungkot naman pag-uwi dahil wala nang pera pagkatapos?

To the point na…

  • Halos o wala na talagang natitira sa inyo?
  • Pinipilit na lang dahil wala naman talagang budget?
  • Nagiging dahilan pa kaya walang naiipon?

Darating at darating ang araw na mauubos ang perang dapat nakalaan sana sa mas importanteng mga bagay.

Ano ba ang pwedeng gawin para hindi pulubi later ang resulta ng date?

BE SIMPLE.

In one of my video blogs (You???re A Team Mate), I mentioned na I love to cook and that is my strength. Kung baga sa aming dalawa, ako ‘yung may talent sa aspetong ito.

So at home, I cook for my wife and we eat and talk the whole day. Resulta? INSTANT DATE!

Ganoon lang dapat ka-simple ang dating. It doesn???t have to be extravagant dahil companionship and quality time naman ang gusto natin, hindi ba?

EFFORT lang ang puhunan and believe me, they will appreciate it more than expensive and common dates.

USE ALTERNATIVES.

Instead of bringing them to places na mahal, you can still enjoy your time together without spending too much.

Paano?

  • Bring them to the zoo or park and be amazed by what nature has to offer.
  • Cook their favorite dish.
  • Movie marathon at home.
  • Play board games.

At marami pang iba! Just be imaginative and creative and for sure, you???ll be able to discover new things about each other.

DON???T PRETEND.

Kung wala, eh ‘di wala???
Kung meron, eh ‘di meron???

Hindi natin kailangan magpanggap na may pera tayo kasi kung ganito na rin lang, sa bandang huli, tayo rin ang magigipit at mahihirapang magpaliwanag kung bakit hindi na natin ginagawa para sa kanila ‘yung nakasanayan na.

Say:

  • “Ito lang kasi ang kaya ko.”
  • “Wala kasi akong budget para diyan.”

Relationship comes with honesty. Tell them what you can only afford. If they love you, they will understand and happily support your plans to make your date exciting and memorable.

Kaya imbis na gumastos ng sobra-sobra, ilaan nalang natin ito sa mga bagay na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin. Couples must help one another to save and budget kung gusto ninyong ma-achieve ang financial freedom in the future.

Huwag bonggang date now, pulubi naman later.

THINK. REFLECT. APPLY.

Magkano ang nagagastos niyo kapag nagde-date kayo?
Ano ba ang mga activities ninyo?
Anong pwedeng alternative para makatipid kayo at maka-ipon?

Comments (0)