Recently, may friend akong nakatanggap ng text message:
“P5k mo, gagawin nating P27k guaranteed in 2 months or we’ll give your money back!”
Galing, hanep?! Ayan na naman sila! Biglang yaman! Oh my goodness!
Ito pa ang banat nila…
“Para lang ito sa mga taong open minded.”
Kung hindi ka mag-ingat, mapapabilib ka, hanggang mabilog na nila ang ulo mo.
Iba talaga kapag limitado ang kaalaman tungkol sa aspetong pinansyal.
Nariyan yung madali kang masilaw sa pera o mag-asam ng biglang yaman. Sa huli, magiging biktima ng scam at mawawala lahat ng pinagpaguran mo.
Unfortunately, there’s no such thing as biglang pagyaman.
Yan ang nangyari sa isang kong avid follower na OFW na itago natin sa pangalang Jose.
Nag-invest siya ng P100k sa isang “GOLD trading” na may pangakong 540% ROI in just two months. Wow diba?!
Noong umpisa, kumikita siya. Pero nang lumobo na ang kanyang investment, biglang nag-laho ang kanilang website at tuluyang naglaho ang kanyang pinag-ipunan.
TYPICAL SCAM STORY
Hinay-hinay lang. HUWAG MAG-ASAM NG BIGLANG YAMAN.
Sa una padadamahin ka nila.
At kapag na-engganyo ka nang mag-invest pa more, paiiyakin ka na nila!
Kaya dapat maging maalam at maingat para hindi mapunta sa wala ang perang pinaghirapan sa ibang bansa.
Para sa mga taong naging biktima, LEARN FROM YOUR MISTAKES.
Para sa mga taong hindi pa nakakaranas ma-biktima o maloko, MAG-ARAL KA BAGO MAG-INVEST.
Invest in yourself because that’s the best investment you can ever get.
Enrich yourself. Read books on personal finance, attend seminars and follow the discipline of financially successful people and APPLY what you have learned.
Kapatid, sa Panginoon lang tayo kumapit. Sa Kanya lang tayo mamuhunan para hindi tayo muling masilaw sa kayamanan o mag-hangad ng instant yaman.
“Overnight stay meron, but OVERNIGHT SUCCESS…WALEY!!!”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kung na-scam ka na, natuto ka na ba o uulit ka pa?
- Mas maganda ba na matuto ka mula sa experience ng iba?
- Kailan mo sisimulang palawakin ang iyong pinansyal na kaalaman?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.