Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

BIG PREPARATION

September 29, 2019 By Chinkee Tan

PREPARATION

Ang mga mahahalagang bahagi ng ating buhay ay
kailangan pinaghahandaan natin. Hindi naman pwede
na saka na lang natin iisipin iyon kapag nangyari na.

Tulad na lamang ang nalalapit na kaarawan, anibersaryo,
o kaya naman kasal o pagkakaroon ng anak. Lahat ito
ay kinakailangan paghandaan at pag-isipan nang husto.

Kaya tayo nai-stress sa presentation natin, sa project
natin o kaya naman sa exam, kasi hindi natin ito
pinaghandaan nang husto. Alam natin yung takot.

Paano ba natin ito paghahandaan?

Table of Contents

Toggle
  • PISIKAL AT MENTAL NA KAHANDAAN
  • PINANSYAL AT EMOSYONAL NA KAHANDAAN
  • MORAL AT ESPIRITWAL NA KAHANDAAN
  • THINK. REFLECT. APPLY.

PISIKAL AT MENTAL NA KAHANDAAN

Pagsamahin na natin ito. Mahalaga na parehong handa
ang ating mental at pisikal kapag tayo ay sasabak sa isang
mahalagang bagay. Mental toughness ika nga.

Parang kung ikaw ay papasok sa isang negosyo o kaya
naman ay magli-lead ng isang grupo, kailangan na
handa ang iyong isipan at ang iyong pangangatawan.

Para tayong sasabak sa isang giyera. Hindi maaaring
sumugod na lamang dito nang walang sapat na
paghahanda at kulang ang kaalaman sa mga gagawin.

Minsan naririnig natin: Kailan kayo ikakasal?
Siguro mas mainam na itanong ay kung handa
na nga ba sila magpakasal. Alam na ba nila ito?

It goes hand in hand. Kahit sapat ang iyong kaalaman
kung may sakit din naman, kulang pa rin ang kahandaan.
Kaya kailangan parehong ihanda ang mga ito.

Kailangan din ng

PINANSYAL AT EMOSYONAL NA KAHANDAAN

Alam naman natin na habang tayo ay nagkakaedad ay
hindi na natin halos magawa ang mga bagay na ating
nagagawa nung tayo ay bata pa. Kaya huwag sayangin
ang panahon.

Habang maaga ay mag-ipon at paghandaan ang inyong retirement
kahit matagal pa ito. Paghandaan din ang pagkakaroon ng pamilya,
hindi lamang kasal.

Yes. Tama ang inyong nabasa. Hindi lamang mismong
pagpapakasal ang kailangan paghandaan at isipin.
Kailangan din ang inyong pamilya na bubuohin.

Hindi naman pwede na saka na lang maghahanda kapag
nandyan na, buntis na. Kailangan ay handa ang ating
mga damdamin at hindi pabugso-bugso na lamang.

Kaya minsan may tinatawag na immature. Ito ay hindi lamang
pananaw sa kaisipan, kundi ang pag-react natin sa ating damdamin. Kailangan ay naaayon na ang ating desisyon.

Dahil higit sa lahat ay kailangan natin ng

MORAL AT ESPIRITWAL NA KAHANDAAN

May mga pagkakataon sa buhay natin, kahit maganda
ang nangyayari, parang may kulang pa rin sa buhay
natin. Hindi kaya dahil hindi natin pinapapasok ang
Panginoon sa ating buhay?

Marahil ay ilang beses na Siyang kumakatok at
dumadaan sa ating pintuan ngunit busy tayo palagi
sa ating mga buhay kaya hindi natin ito pinapansin.

Tuwing kailan lang ba tayo nagdarasal nang taimtim?
Kapag may hinihiling nga lang ba tayo? Kailan tayo
nakakapagsimba? Kapag pasko lang ba? Isang beses
sa isang buong taon? Masabi lang na nagsimba?

Kailangan din nating paghandaan ang ating moral at espiritwal
dahil ito ay nagbibigay ng liwanag sa ating isipan sa gitna ng mga problema.

“Kung gusto natin ng totoong kaligayahan at
isang buhay na may kulay,
palaguin natin ang ating sarili at
papasukin ang Panginoon sa ating buhay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang iyong ginawa upang ihanda ang iyong sarili?
  • Gaano kalapit ang iyong loob sa Panginoon at gaano ito katibay?
  • Sinu-sino ang mga taong kasama sa iyong support system?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: PREPARATION Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.