Tinda dito, tinda doon.
Lahat ng pwedeng pagkakitaan, sige lang nang sige.
Kahit anong pwedeng i- sideline, papasukin.
Halos lahat na yata ng pwedeng ibenta, nabenta na!
Yan ang naging kwento ng buhay ko, nagsimula ako sa larangan ng pagbebenta since I was 12 years old. Sa hirap ng buhay, kailangan gumawa ng paraan, gamitin ang abilidad at maging persistent.
Sinuong ko ang lahat ng eskinita.
Tinawid ko ang lahat ng kalsada.
Sinuyod ko ang bawat kanto.
Inakyat ang lahat ng footbridge.
Linangoy ko kahit ang baha.
Hindi ako tumigil hangga’t hindi ko naabot ang aking pangarap.
Kaya kung ikaw ay tulad ko, na kahit mainit ang sinag na araw, umulan man o bumagyo. Walang makakapigil sa iyo. Walang makakahadlang sa pangarap mong yumaman.
Kaya wag tayong magugulat kung isang araw…
May sarili ka ng negosyo.
Ikaw na ang may-ari ng halos lahat ng establishment sa lugar ninyo.
Kung lakad ka lang dati, naka sasakyan ka na ngayon.
Kung naka-tricycle ka lang noon, ume-airplane ka na ngayon.
Kilalang-kilala ka na at sikat na sikat ka na!
Dahil sa iyong sipag, tiyaga, at persistence, hindi ka lang mayaman, fulfilled ka pa! Dahil alam mong na pinagpaguran mo ang tagumpay na hawak mo ngayon.
Ang sarap ng ganitong success story hindi ba?
Possible ito. Pwede itong mangyari sayo, sa akin at kahit kanino pa.
“Gusto mo ba madagdagan ang iyong kita?
BENTA NOW! Para MAYAMAN LATER!”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, handa ka na bang yumaman?
- Handa ka na bang subukan ang larangan ng pagbebenta para madagdagan ang iyong kita?
- Bakit hindi mo siyang subukan? Walang mawawala. Ang pinakamasamang mangyayari ay madagdagan ang iyong kita.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.