Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

‘DI TAYO PINANGANAK PARA MAGING BASTOS

August 13, 2018 By Chinkee Tan

bastos

Bastos magsalita, maanghang ang bibig,
bastos makitungo sa kapwa, bastos ang
pag-uugali na para bang walang pinag-aralan.

Minsan mo na bang naranasan ito?
Naka-witness ka na ba ng ganito?

  • Pinahiya sa harap ng madaming tao.
  • Sinagot sagot yung kasambahay, sales lady o waiter sa restaurant
  • Pinagmumura yung empleyado dahil lang sa maling nagawa
  • Hindi man lang marunong gumamit ng: Po or Opo o kaya Miss, Sir, Kuya Ate.
    Instead, sanay sila sa mga salitang:

“OY nasa’n na yung order namin??”
“Ano ba naman, napakakupad!”
“Laban mo na ‘to, ano pa tinatayo tayo mo d’yan??”
“Umalis ka sa harap ko, umiinit ang ulo ko!”

Eh di wow! IKAW NA ANG SUPERIOR!

KaChink, hindi tayo pinanganak para maging bastos.
Hindi rin tayo tinuruan ng magulang natin
na kausapin ang iba na may halong pag-aalila.

Kung ikaw man ay isa sa mga biktima nito
may magagawa tayo para hindi na maulit ito.

Ano pwedeng gawin?

Table of Contents

Toggle
  • IWASAN NA SILA bastos
  • MAG-INGAT, BAKA MAGAYA TAYO bastos
  • HUWAG SILA PATULAN bastos
  • THINK. REFLECT. APPLY.
  • WHAT’S NEW? 
  • NEW VIDEO 
  • CHINKEE TAN SHOP

IWASAN NA SILA bastos

bastos(Photo from this Link)

Kapag tayo ay nabastos, believe me,
Uulit-ulitin lang nila ito hanggat hindi sila nagtatanda.

Hindi natin pwede pagtiisan habang buhay
lalo na kung emosyon na natin ang naapektuhan.
Bumababa na ang tingin natin sa sarili o
‘di kaya’y hindi na tayo nagiging masaya sa ginagawa natin.

One time, may nakausap akong kasambahay.
Lagi daw siya sinasagot-sagot nung alaga niya.
Kinakalat lang kung saan ang mga gamit, dinadabugan,
inuutus-utusan na nga, may kasama pang sigaw.

I told her to talk to that kid at kung ayaw pa rin
just leave. I understand that it’s a job pero
kung araw araw naman niyuyurakan (naks)
ang pagkatao natin, why stay?

Tulad sa mga boss natin,
tatagal ba tayo kung lagi tayong pinagmumukhang
walang alam at ignorante?

Kung kaya iwasan, mas maganda.
Kaysa unti-unti maubos ang ating pasensya
at magandang tingin sa sarili.

MAG-INGAT, BAKA MAGAYA TAYO bastos

bastos(Photo from this Link)

Alam n’yo yung kasabihan na
“Tell me who your friends are and I will tell you who you are.”?

Hindi man tayo ang binabastos
pero kung ang mga nakakasama naman natin
ay ubod ng bastos kung umasta at magsalita,
‘di malayong mahawa tayo sa kanila.

Siyempre, araw araw, sila ng sila na lang
din ang napapakinggan natin, nahahawa na tuloy tayo.

Hindi man ganito ang ating ugali,
eh syempre ayaw naman natin
masabihan ng K.J., ayaw din nating
matanggal sa grupo, so no choice
kundi gumaya sa kung ano sila.

Payong KaChink lang,
hindi tunay na kaibigan ang mga taong
gusto laging nakakasakit ng kapwa.

Ang tunay na kaibigan, will not be a bad influence.
Wala silang gagawin na ikapapahamak natin. 

HUWAG SILA PATULAN bastos

bastos(Photo from this Link)

Kung nabastos, pilitin na
lumabas na lang sa kabilang tenga.

Kasi kung sumagot tayo habang kainitan
ng diskusyon, eh baka may masabi rin tayong
hindi maganda.

Pahupain muna ng ilang oras,
then try to talk to the person who hurt us.
Intentional or not, at least aware sila sa ginawa nila sa atin.

Minsan kasi may mga taong nakapagbibitiw
ng maaanghang na salita dala ng pressure,
may nangyaring hindi maganda during the day,
o stress drilon lang nung araw na yun.

I am sure hindi naman sila laging gano’n.
Taymingan na lang natin para makausap ng matino.

“Wala sa atin ang pinanganak at tinuruan para maging bastos sa kapwa.
Kung hindi na rin lang maganda ang sasabihin, manahimik na lang at baka makasakit pa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Bastos ka ba sa iyong kapwa? O biktima ka ba ng pambabastos?
  • Paano mo hinaharap ito?
  • Paano mo sila kakausapin para maging aware sila?

====================================================

WHAT’S NEW? 

DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ

UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P599 (Discounted rate)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U

=====================================================

NEW VIDEO 

“THE 5W’S OF RETIREMENT”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2vCjGAu

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com

Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development, Productivity, Relationship Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.