Naranasan mo na ba yung after a few
drinks, hinayaan ka na lang ng kaibigan mong
magsususuka sa kalye?
Yung iba, pinost pa sa social media?
May kilala ka bang pipilitin kang gawin
ang isang bagay na kahit mali ay
ipu-push pa din nila?
- Mangongopya?
- Magcutting classes?
- Tumakas sa trabaho?
- Pumasok sa maling relasyon?
Imbis na tayo ay gabayan,
sasabihan pa tayo ng:
“Go mo na yan!”
“Minsan lang naman eh..”
“Wala namang makakaalam n’yan.”
“Sus, eh lahat naman ginagawa na din ‘yan.”
Mala cheering squad nga ang peg,
nandun nga ang kanilang suporta,
eh mapapahamak naman tayo sa huli..
Hmmm, parang may mali ata?
Bakit? Kasi ang tunay na KAIBIGAN at
SOLID NA BARKADA…
HINDI TAYO HAHAYAANG MAPAHAMAK barkada
(Photo from this Link)
We make a lot of wrong decisions
and it’s okay dahil lahat naman tayo
dumadaan sa ganyang phase ng buhay.
Pero sa mga panahong ito,
we need friends who will
call our attention when what we’re doing
will only be detrimental for our well-being.
Baliktarin man ang sitwasyon,
gugustuhin ba nating malagay sa
peligro ang buhay ng kaibigan?
Mahuli ng teacher?
Matanggal sa trabaho?
Makasuhan?
Of course not.
Kung may taong nag-uudyok sa atin,
ayaw din naman natin mangyari ito
sa atin, ‘di ba?
PRANGKA PERO PARA DIN SA ATING KABUTIHAN barkada
(Photo from this Link)
Sila yung mga kaibigang sinasabihan natin
na parang sirang plaka.
Uulit-ulitin sa atin na yung ating plano
ay hindi makabubuti.
“Huwag mo na ituloy please lang Bes!”
“Di ba sabi ko sa ‘yo noon mapapahamak ka lang?”
“Oh ayan ah. Baka gawin mo na naman ‘yan.”
Eh kasi tayo, may tendency
na ayaw makinig at ayaw magpadala
sa maayos na usapan.
May kakulitan ba.
Kaya sila, itong mga tunay na kaibigan,
ididikdik nila ng ididikdik hanggang sa
pumasok sa ating mga ‘kukote’.
Hindi sila magpapabebe.
They will remain tough and strong
to teach us a lesson and to
make us a realize something.
WILL ENCOURAGE AND MOTIVATE US barkada
(Photo from this Link)
Pipigilan nila tayong mapunta sa isang mali
but won’t leave us there.
Hindi lang nila tayo pipigilan kundi
ba-backup-an pa ng mga salitang:
“Hindi mo kailangang gawin ‘yan.”
“Bakit pa, kayang kaya mo rin ‘yan ng hindi nandadaya.”
“You deserve someone better friend.”
They are the people who BELIEVE in us.
Na hindi natin kailangang magpakababa
at saktan ang sarili natin in any way
dahil lang sa ginagawa na ito ng lahat.
No, we are more than that.
‘Yan ang gusto nilang matutunan natin
at paniwalaan din.
“Iwasan natin ang mga masasamang barkada upang ang ating buhay ay mas umunlad pa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Napapabilang ka ba sa mabubuting barkada?
- How do they treat you? How do you treat each other?
- Paano ninyo matutulungan ang isa’t isa?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“4 SPENDING HABIT WE NEED TO ACQUIRE WHEN WE’RE EARNING ENOUGH”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2J9eb59
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.