May kakilala ka ba na naging instant millionaire, tapos hindi nagtagal ay parang bula na lang na naglaho ang kayamanan at muli na namang naghihirap?
Gusto mo bang malaman ang dahilan para hindi mangyari sayo ‘to?
If you answered yes in any of the questions above, sit back, relax, and read on!
Ang isang dahilan kung bakit nawawala na lang bigla ang kayamanan ay…
HINDI PINAGHIRAPAN
Madami kasing may gusto ng mabilisan kasi ayaw mahirapan. Kaya madalas ay puro instant ang pinipili. Instant noodles, instant coffee, instant fame, instant pamilya, at kung ano-ano pang instant.
At dahil instant ang nakuhang kayamanan, naisip nila na meron naman pa lang MADALING PARAAN para magkaroon ng pera. Hindi nila naranasan ang sobrang paghihirap upang makamit ang kayamanan. HINDI DUGO’T PAWIS ang nilaan kaya HINDI NAPAHALAGAHAN ang bawat sentimo na nahawakan. Naging KAMPANTE sa paggastos at tuluyan na itong napabayaan.
Ayaw kasi mapagpawisan kaya nabalewala ang tamang proseso at nag-short cut na lang. Ang gusto e chill lang while waiting for the success to come. Ika nga eh, “Easy come, easy go.”
Another reason kung bakit biglang hirap ang biglang yaman ay…
HINDI NAPAGHANDAAN
Sa sobrang instant ng datung, nagkagulatan! Bumisita si pareng adrenalin kaya biglang hindi na magkandamayaw sa pag-gastos! Gastos lang ng gastos kahit hindi napagplanuhan!
Matagal nang pangarap yumaman pero hindi nakagawa ng plano para maalagaan ang bawat piso. Nabilaukan ba! Nabigla sa pangyayari at hindi na alam kung ano ang gagawin.
Remember, “If you fail to plan, you plan to fail.”
HINDI MARUNONG MAGPACING
Since nanggaling sa hirap, ayaw na bumalik sa kahirapan. Noong nakatikim ng lauting ginhawa, nagmadali at tinaasan agad ang kanilang lifestyle. Nag bago ang pananaw sa buhay at ang sabi sa sarili ay, “Ito na ang panahon ng paghihiganti, lahat ng di nakakain, kinakain na. Lahat ng di nabibili dati, binibili na. Nasanay at nawalan ng control. Ngayon kahit medyo hirap, ginagawa pa rin ng paraan sa pamamagitan ng pangungutang.
Now, we already know the reasons sa biglaang paghihirap ng mga biglaang yumaman. At ang maaari nating gawin para hindi mangyari sa atin ito ay…
HUWAG MAGMADALI AT MAG-SHORT CUT
Yung process na pagdadaanan ay napaka-importante para ma-acquire ang mga good traits like patience and perseverance. These traits will help us to make the SUCCESS ZONE , OUR HOME at hindi parang museum na binibisita lang.
Tsaka di ba mas masarap sa pakiramdam na makamtan yung isang bagay na pinaghirapan?
Tapos pag hawak mo na yung resulta ng paghihirap mo e, you can proudly say, “Guys, dugo’t pawis ko ‘to!” Naks!
Yung mga bagay na ganito kasi ang siguradong DUGO’T PAWIS din nating IINGATAN.
In addition, we should…
HAVE A PLAN
If we really want to prosper, we need to have a great plan in handling the abundant blessings we’re waiting to receive. And one good plan is to make a BUDGET.
Budgeting money is the best guide para alam mo kung ano ang DAPAT unahin (needs) at kung hanggang magkano lang ang PWEDE gastusin (available funds).
Kapag gumawa ng budget, BE HONEST kung need ba talaga ang isang bagay na ilalagay sa listahan. Baka ilagay mo “need to buy a new cellphone” pero ok pa naman yung existing. Yun pala, gusto mo lang ng features ng latest na iPhone!
Kaya kailangan din gumawa ng budget is for you TO MONITOR yung available funds mo. Pag di mo kasi alam yung limitation, dukot ka lang ng dukot sa bulsa mo hanggang sa wala ka nang madudukot!
THINK. REFLECT. APPLY.
Dumadaan ka ba ngayon sa process to prosper pero gusto mo nang mag-short cut?
Ano-ano ang mga naiisip mong plano para maalagaan ang bawat blessings na dumadating sa buhay mo?
Sa tingin mo ba, ikaw ay handa na para sa prosperous life?
Kung gusto mo talagang matuto magbduget at maayos ang iyong financial life, kailangan mong mapanood ang video an itohttps://bit.ly/1wOrPI6
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to have savings? Here are some more articles on how to budget your money:
- What A Spending Budget Is And How To Create One
- PETMALU SA PANGUNGUTANG
- 3 SIMPLE STEPS TO DISCIPLINE YOURSELF FROM SPENDING
- Tipid Now, Ginhawa Later: Magtipid Ay ‘Di Biro (Part Two)
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.