Single Blog

Bakit Nga Ba Mabilis Maubos Ang Sweldo?

14620024 10153967404168034 2071816894

May mga kakilala ba kayong…

  • Wala pang akinse, nanghihiram na!
  • Kakasweldo pa lang, ubos na!
  • Ang pera, ni hindi man lang tumatagal sa palad!

Bakit nga ba hindi tumatagal ang perang pinaghirapan?

TEMPTATION

As I said, hawak-kamay lang ang pera natin kapag hindi ito inilalagay o idine-deposit somewhere safe.

Kapag bagong sweldo kasi, meron tayong thinking na:

  • Yes! May pera na ako!
  • Pwede akong gumastos.

Without knowing, ang ginagalaw pala natin ay budget na for 15 days or for a month. Ang resulta tuloy, kapos na kaagad – hindi pa man tapos ang linggo.

Kaya pagkakuha mo ng sweldo, allot how much you want to save at ilagay kaagad ito sa banko. Kung anong matira, ‘yun lang ang gagastusin mo for other things.

LACK OF DISCIPLINE

“Saan napunta lahat ng pera ko?”

‘Yan ang kadalasan nating tanong sa tuwing nagigipit tayo. Hanap dito, hanap doon. Isip nang isip, hanggang sa sumakit nalang ang ulo.

This happens when we don???t have discipline instilled in us when it comes to money. Akala kasi natin, may pera pa tayo kaya wagas rin tayo kung gumastos.

But when our money is kept in the bank, we???ll be forced to make do with what we only have access to. ‘Yun lang siyempre ang gagalawin natin. It will teach us to adjust and be mindful of our spending.

Kung P2,000 lang ang meron tayo, it makes us aware na dapat:

  • P1,000 lang for food.
  • P500 lang for transportation.
  • P500 lang for ‘eating out’.

UNPROTECTED

Kapag nagastos na ang pera, wala na, goodbye na.
Kapag naipambili na, iyak-tawa na lang dahil mahirap nang ibalik.
Kapag nalusaw na, gone with the wind na ang drama.

Why? Kapag nasa atin lang kasi ang pera, walang nagsisilbing ‘gwardya’ o ‘look-out’ na pumipigil at nagsasabing: “Oops, tama na ‘yan.” Kung baga sa giyera, walang sundalo.
Samantalang kung nasa bangko ito, assured tayong hindi tayo masisimot at magigipit dahil alam nating nandoon lang ito. Hindi pwedeng kunin ng kung sinu-sino, hindi basta-basta mailalabas nang walang pahintulot.

NO SAVINGS

And the most common disadvantage of not having a bank account? Wala rin tayong savings, as simple as that.

Picture this:

  • Walang proteksyon.
  • Walang kontrol.
  • Walang disiplina.

…ang ending? Disaster ang finances natin. Dito papasok ang utang, hiram, gipit, at lubog sa utang.

Seek the advice of professionals. Magtanong at lumapit sa mga bangko, so we???d be aware of its benefits at kung ano sa tingin natin ang makakabuti para sa future natin.

THINK. REFLECT. APPLY.

Kamusta ang sweldo mo? Nagtatagal ba ito o parang siyang hangin na hindi mahawakan?
Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit hindi siya nagtatagal?
Ano ang pwede mong baguhin para makapag-save ka na?

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link