Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

Bakit Nga Ba Mabilis Maubos Ang Sweldo?

October 6, 2016 By Chinkee Tan

May mga kakilala ba kayong…

  • Wala pang akinse, nanghihiram na!
  • Kakasweldo pa lang, ubos na!
  • Ang pera, ni hindi man lang tumatagal sa palad!

Bakit nga ba hindi tumatagal ang perang pinaghirapan?

TEMPTATION

As I said, hawak-kamay lang ang pera natin kapag hindi ito inilalagay o idine-deposit somewhere safe.

Kapag bagong sweldo kasi, meron tayong thinking na:

  • Yes! May pera na ako!
  • Pwede akong gumastos.

Without knowing, ang ginagalaw pala natin ay budget na for 15 days or for a month. Ang resulta tuloy, kapos na kaagad – hindi pa man tapos ang linggo.

Kaya pagkakuha mo ng sweldo, allot how much you want to save at ilagay kaagad ito sa banko. Kung anong matira, ‘yun lang ang gagastusin mo for other things.

LACK OF DISCIPLINE

“Saan napunta lahat ng pera ko?”

‘Yan ang kadalasan nating tanong sa tuwing nagigipit tayo. Hanap dito, hanap doon. Isip nang isip, hanggang sa sumakit nalang ang ulo.

This happens when we don’t have discipline instilled in us when it comes to money. Akala kasi natin, may pera pa tayo kaya wagas rin tayo kung gumastos.

But when our money is kept in the bank, we’ll be forced to make do with what we only have access to. ‘Yun lang siyempre ang gagalawin natin. It will teach us to adjust and be mindful of our spending. Also then, we slowly develop out money-saving habits.

Kung P2,000 lang ang meron tayo, it makes us aware na dapat:

  • P1,000 lang for food.
  • P500 lang for transportation.
  • P500 lang for ‘eating out’.

UNPROTECTED

Kapag nagastos na ang pera, wala na, goodbye na.
Kapag naipambili na, iyak-tawa na lang dahil mahirap nang ibalik.
Kapag nalusaw na, gone with the wind na ang drama.

Why? Kapag nasa atin lang kasi ang pera, walang nagsisilbing ‘gwardya’ o ‘look-out’ na pumipigil at nagsasabing: “Oops, tama na ‘yan.” Kung baga sa giyera, walang sundalo.
Samantalang kung nasa bangko ito, assured tayong hindi tayo masisimot at magigipit dahil alam nating nandoon lang ito. Hindi pwedeng kunin ng kung sinu-sino, hindi basta-basta mailalabas nang walang pahintulot.

NO SAVINGS

And the most common disadvantage of not having a bank account? Wala rin tayong ipon, as simple as that.

Picture this:

  • Walang proteksyon.
  • Walang kontrol.
  • Walang disiplina.

…ang ending? Disaster ang finances natin. Dito papasok ang utang, hiram, gipit, at lubog sa utang.

Seek the advice of professionals. Magtanong at lumapit sa mga bangko, so we’d be aware of its benefits at kung ano sa tingin natin ang makakabuti para sa future natin.

Perhaps, you can also consider having money saving apps to help you monitor your expenses.

Make it a goal to be a money saving expert.

THINK. REFLECT. APPLY.

Kamusta ang sweldo mo? Nagtatagal ba ito o parang siyang hangin na hindi mahawakan?
Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit hindi siya nagtatagal?
Ano ang pwede mong baguhin para makapag-save ka na?

Become an Iponaryo this year and sign up for Ipon Pa More event here, 

                                                                  https://chinkshop.com/

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? You can also check on these related posts:

  • Ang Sweldo Ay Parang Timbangan
  • Ang Sweldo Ay Parang Hangin
  • Ang Sweldo Ay Parang Amnesia
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Finance Tagged With: bakit, Bakit ba, Corporate Speaker, Corporate Trainer, discipline, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, money saving, money saving apps, money saving expert, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, Saving, saving habits

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.