Hindi pa tapos ang buwan, ubos na ang budget.
Mahirap talaga pagkasyahin ang maliit na kita.
Minsan hindi mo alam kung paano i-stretch at pahabahin ang buhay nito.
I’m sure sumagi sa isip mo minsan na maging magician nalang para mapadami ang ang pera..
O magkaroon ng ATM machine sa bahay para pwede kang
mag-withdraw ng pera anytime you like.
Hayyyy!!! Wish yan ng marami.
Pero bago pa tayo mangarap, maybe we can ask ourselves..
“Bakit nga ba tayo umabot sa ganitong sitwasyon?”
“Ito ba ay dahil sa talagang kulang ang ating kinikita?”
“O, ito ay dahil sa ating kulang sa disiplina?”
May makita lang tayong gusto natin, binibili na natin kahit wala sa plano.
Madali tayong maakit sa mga bargains, or tuwing may SALE.
Mahilig tayong kumain sa labas, kahit walang okasyon malaki na ang gastos natin.
Kaya huwag na tayong mag-taka kapag ang ending…
Minsan napipilitan ng manghiram para maka-survive.
Ang hirap humugot sa wallet, lalo na kung last money mo na ito.
Takot na takot kung meron pa kayang papasok.
In other words, nabubuhay tayo sa matinding financial stress.
Kapatid, this is not how life is supposed to be.
Dapat masaya at sagana ang buhay..
Sana tayo ang mamimigay at hindi manghihingi.
Sana tayo ang magpapautang at hindi mangungutang.
Sana tayo ang nasa tuktok at hindi nasa ilalim.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Alamin natin yung tunay na dahilan kung bakit ba kinakapos at huwag lang natin sisihin ang kakulangan sa kita.
- Ano ang pwede natin gawin para maiwasan na kapusin sa budget at huwag mangutang?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.