- “Hindi pwede yan!”
- “Walang mangyayari diyan!”
- “Ang tigas tigas talaga ng ulo mo!”
- “Malulugi ka nanaman dyan!”
- “Nangangarap ka nanaman ng gising!”
- “Imposible yan!”
- “Mahirap lang tayo!”
Sila din yung mga taong binabato ang kanilang mga frustrations sa iba para makahanap ng karamay dahil ayaw nila yung sila lang ang may pinagdadaanan.
Bakit nga ba may mga taong negative? Ano ba ang pinanggagalingan ng kanilang mga “a.k.a, #HUGOT“?
1. PAST EXPERIENCES
Maaring meron silang napagdaanan noon na hindi naging maganda ang resulta. Pwedeng bumagsak ang negosyo, hindi natanggap sa trabaho, o sinubukang kumita sa isang business pero hindi naging successful or minsan, series of unwanted events pa.
So in effect, bitter sila at galit sila. So in effect, ganon din ang pakikitungo nila sa iba.
2. CRAB MENTALITY
May mga taong hindi kaya ihandle ang failure, na imbis na bumawi at gumawa ng paraan para sa sarili nilang kapakanan, they attack those who are succeeding instead.
Tulad nalang sa example natin kanina na kapag ikaw ay nagkaroon ng magandang trabaho o business na hindi nangyari sa kanila, magsasabi sila ng mga discouraging and demotivating words para mapanghinaan ka din ng loob at nag babakasakaling mag fail ka din tulad nila.
3. FEELING PERPEKTO
Narinig niyo na ba yung: Kapag gumawa ka ng maganda hindi ka napapansin, pero kapag may kasalanan na maski napakaliit, yun ang nakikita at hindi nakakalimutan.
Ganyan ang mga negative. Ang nakikita nila eh yung kamalian mo rather than the good things that you???ve done in general. Para sa kanila, ang mali ay mali at hindi mo na mabubura yun kahit kailan, kaya ipapaalala nila ng ipapaalala sa yo ito to make you feel na may gusot at lamat ka na.
4. NEGATIVE ENVIRONMENT
Kapag ang mga tao sa paligid mo, lalo na yung mga madalas mo kasama eh negative ang outlook sa buhay, tiyak mahahawa ka, sabi nga: “Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are”
Halimbawa ang mga ka-opisina mo ay wala ng ginawa kundi pansinin lahat ng kamalian ng kumpanya, kesyo mababa ang sweldo, overworked ang mga empleyado, o kaunti ang benefits.
Ikaw, bilang laging kausap, ma-aabsorb mo na ito at mapapansin mong nakakahanap ka na din ng mali sa kumpanya tulad nila.
5. UNGRATEFUL
Ito yung mga taong hindi makunte-kuntento sa buhay. Gusto mas maging masaya, mas magkapera, o mas maging maganda ang buhay.
Kaya pag hindi na-satisfy, masama ang loob kaya damay na pati ibang tao.
Okay lang mangarap, maganda nga yung may ambisyon tayo sa buhay. Pero kung maghahangad ka ng para sa sarili dapat matuto din tayong lumingon, pansinin, at magpasalamat sa blessings na nare-receive natin araw araw, hindi lang yung kung anong kulang sayo.
THINK. REFLECT. APPLY
Saan galing ang pagiging negative mo o ng kakilala mo?
Paano mo kaya matutulungan ang iyong sarili?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check out these other related posts on dealing with people:
- HOW TO DEAL WITH ‘NEGA’ PEOPLE
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
- How To Deal With A Rude Person
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.