May kakilala ba kayong mga tao na wala nang ginawa kung hindi pag usapan ang buhay ng iba? Yung parang hindi kumpleto ang kanilang araw kung wala silang nasisiraan na tao?
“Alam mo ba si _____, balita ko lubog na daw sa utang. Tsk, tsk, yari siya ngayon!”
“Bakit kaya magpapakasal yun? Baka buntis na. Biglaan eh!”
BZZZT!!BZZZT!!BZZZT!!
Naku po, itong mga example na ito ang living proof na madaming bubuyog na nakakalat sa tabi tabi, ma pa sa kalsada, eskwelahan, opisina, o kahit saang lugar ay nakakarinig tayo ng mga taong walang ginawa kundi pagusapan ang buhay ng iba.
Bulong ng bulong; Tsismis dito, tsismis doon.
Bakit nga ba ang hirap pigilan ang mga taong mahilig makipag tsismisan? Ano ba ang meron dito sa tsismis na kahit makasakit at alam naman na mali eh ginagawa pa din?
1. TO FEEL SUPERIOR
Ito yung mga taong may nakikitang mali sa sarili nila pero para hindi sila mahatak pababa o mag-self pity dahil sa thought na yun, hahanap sila ng taong pwede nilang ilaglag o pagdiskitahan para nga naman umangat ang moral nila kahit paano.
2. OUT OF BOREDOM
Kung ang hobby ng iba kapag naiinip ay mag window shopping, kumain, o matulog, sila naman ay makialam at magbigay ng opinyon tungkol sa ibang tao.
Since wala silang magawa at tila tinatamad namang kumilos, talking is the easiest way to keep themselves busy in the meantime — masabi lang na may nangyari sa araw nila.
3. FEELINGS OF ENVY
Na promote ang ka-opisina: “Sipsip sa boss yan eh.”
May sarili na siyang bahay: “Pera naman ng magulang ginamit pang down diyan eh.”
Meron siyang bagong gadget: “Sus, bigay lang yan. Paano bibili eh balita ko may utang yan.”
Why do people envy?
Ito yung mga taong ayaw pahalata na naiinggit sila, kaya to cover it up at pampalubag loob, sisiraan na lang nila yung kinaiinggitan nila sa ibang tao.
This is also their way to make themselves believe na angat pa din sila at some point dahil iniisip nila na baka hindi naman ‘authentic’ ang story behind the success nung kinaiinggitan nila.
4. THE NEED TO BE ACCEPTED
Minsan, when a person wants to be accepted sa group na gusto niya, gagawa siya ng grand entrance o yun bang ‘pasabog’ —-at ito yung tinatawag nating tsismis which usually serves as a ticket to get in.
Paano? Kapag nalaman niya ang interest nung grupo o yun bang kinaiinisan nila for example, gagawa siya ng issue o sasagarin niya ang kanyang nalalaman tungkol sa taong yun para maikwento niya sa kanila.
Resulta? They’ll think na they’re on the same boat and will let him/her in.
5. FOR ATTENTION
May mga tao naman na gusto ng atensyon. Gusto nila na sila nalang parati ang magaling, maganda, o yung nasa ilalim ng spotlight.
And to get that instant fame, they use other people’s lives na pwede nilang itsismis sa iba para lahat nakatingin at nakikinig sa kanila. Wala silang pakialam kung ito???y gawa gawa lamang o mali basta ang importante sila ang nasa sentro.
THINK. REFLECT. APPLY
Bakit mo itsinitsismis ang kapwa mo?
O bakit ka kaya pinagtsitsismisan?
Anong mga bagay ang pwede mong gawin upang mabaling ang atensyon mo at hindi maubos ang oras sa tsismisan lamang?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.