Single Blog

Bakit May Tuso Sa Bawat Pamilya?

13624822 10153742293823034 1065419078

“Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.”

Familiar ba kayo sa kasabihan na ito? It came from the story of “The Turtle And The Monkey”. Kahit matalino ang matsing, nalinlang pa rin siya ng pagong na naging dahilan ng pagkapanalo niya sa karera.

Ito ‘yung mga tinatawag nating TRAYDOR o TUSO na mapapansin natin sa opisina, eskwelahan, o maski sa sarili nating bahay.

Sila ‘yung mga nakakapag-isip ng iba???t-ibang klaseng paraan para manloko, manlinlang, at paikutin ang mga taong kausap nila ng hindi nahahalata to get what they want or simply, to get ahead of everybody else.

With someone is like this at home, maraming pwedeng mangyari, tulad ng:

  • Pagkasira ng tiwala sa isa???t-isa
  • Creates a barrier or a wall in between, and worse…
  • It can ruin relationships in the family.

Bakit nga ba may mga tuso sa pamilya?

SELFISHNESS

Walang ibang iniisip, kundi ang kanilang sarili.
“Ano ang pakinabang ko?”
“Paano naman ako?”
“Mukhang lugi ako!”

Lahat na lang ay pakabig, ni hindi man lang inisip ang iba.
Grabe ang mga taong ito. Nasa kanila na ang lahat kung minsan, pero nang-aagaw pa sa iba.

OBSESSION WITH AMBITION

May ibang taong sobrang obsessed sa attention, money, or power – ‘di bale nang may masaktan sila. Walang sasantuhin at sasagasaan ang lahat. Basta ang importante, maisakatuparan nila ang sariling kagustuhan.

Ang mga ganitong tao ay are insensitive o manhid at overpowering, kaya marami ang naiinis sa kanila.

TO PROVE THAT THEY ARE SMARTER THAN THE REST

“Mas magaling ako diyan.”
“Sinuwerte lang ‘yan, kaya nagka-pwesto.”

Paglalaruan nila ang tao at ang sitwasyon to prove na makakagawa at makakagawa sila ng paraan kahit anong mangyari, dahil alam nilang mas magaling sila kaysa sa kinakalaban nila.

In other words, kayabangan!

ENVY

Kapag nararamdaman nilang they are already left behind, this makes them feel uneasy – kaya, gusto nilang gumanti indirectly.

They do things like:

  • Spreading false statements.
  • Galit-galitan or acting na para bang sila ang kawawa o naapi.
  • Put themselves in a very awkward and complicated situation that involves other people.

Kahit ano, basta makuha lang nila ang atensyon na kailangan nila from the family.

These things can happen simply because ang mga tuso, walang atrasan at walang kinatatakutan – even God. And of course, we all know God is fair and is not unjust.

So, always???

  • Pray for your family.
  • Pray for each member who are lost.
  • Pray that they will be enlightened and they will change.

…dahil mahirap kapag nasira ang tiwala at ang samahan ng pamilya.

THINK. REFLECT. APPLY.

Meron bang tuso sa inyong pamilya?
How do you deal with him or her?
How can you help him or her cope?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link