Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • FREE Resources
  • Videos
  • Invite Me

Bakit May Mga Taong Walang Konsensya?

February 5, 2016 By Chinkee Tan

May mga kilala ba kayong mga tao na walang konsensya?
Hindi lang yung mga sangkot sa masasamang gawain, pero yung mga taong kung manakit ng damdamin ay walang nararamdaman pagsisisi o pagkahiya?

Tulad ng ano Chinkee?

  • Pinakisamahan mo ng maayos at ibinigay mo naman ang gusto pero lolokohin ka lang pala
  • Wala kang ipinakita kundi kabutihan at sinseridad pero nung hindi nakuha ang nais nila, ikaw pa lumabas na masama
  • Naging mabuti ka naman sa kanila pero kaya pa din nila magsinungaling sa iyo ng harapharapan at magmanipula.

Sa mundong ginagalawan natin ngayon, tila marami na sa atin ang naka experience ng ganito. Masakit man isipin pero minsan, kung sino pa ang hindi natin inaasahan, sila pa yung nakakagawa nito sa atin.

Bakit nga ba may mga taong walang konsensya?

SELF-CENTERED

Para sa isang taong hindi nakokonsensya, wala silang iniisip kundi ang kanilang mga sarili– hindi ang damdamin na iba.

Ang agenda lang kasi nila ay ang magkaroon ng self-satisfaction kaya gagawin nila ang lahat para mapa sa kanila ang gusto nila kahit na may matapakan silang tao.

WALANG PINAGKATANDAAN

Ito yung mga taong nakagawa ng kasalanan pero para sa kanila ay simple lang yung naging consequence. Hindi talaga sila natuto kaya malakas ang loob na ulit-ulitin ito.

Kunwari:

  • Ninakawan at nagsinungaling sa magulang: Pinagalitan lang at sinigawan.
  • Hindi nakabayad ng utang sa kaibigan: Hindi lang kinausap ng isang linggo, nagkalimutan na.
  • Niloko ang partner/ asawa/ kasintahan: Nag-sorry lang, pero balik naman sa dating gawi.

And speaking of consequences…

THEY’RE NOT THINKING LONG TERM

Ang nakikita lang nila ay yung “at the moment” consequences. Feeling kasi nila, “eh, papatawarin din naman ako niyan” or “hanggang ganyan lang naman kaya niyan”.

Pero ang hindi nila iniisip, na kapag patuloy nilang niloko at sinaktan ang mga tao sa paligid nila, sila na din mismo ang susukuan hanggang sa dumating ang oras na wala na silang malapitan.

ANG SALITANG “SORRY” AY BALEWALA

Hindi nila naiintindihan ang totoong kahulugan ng “Sorry” o paghingi ng tawad.

Para sa kanila kasi, it’s just an ordinary word when in fact, once na sinabi iyon at hiningi sa mga taong naapektuhan, nangangahulugan na gagawin mo ang lahat para hindi na uli makasakit ng damdamin kasi importante sayo ang taong iyon.

THINK. REFLECT. APPLY.

May mga kakilala ka bang mga taong walang konsensya?
Ano sa palagay mo kung bakit sila ganito?
Unawain mo na lang sila kaysa magpa-apekto ka sa kanila.

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help you? You can also check on these related posts on how to deal with difficult people:

  • How To Deal With People Na Walang Sense Kausap
  • How To Deal With Self-Centered People
  • HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
Chinkee Tan

Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Conscience, Consequences, Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines April 19, 2024
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update) April 19, 2024
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity April 19, 2024
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines April 19, 2024
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024 March 1, 2024
  • LET GOD April 12, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • 15 Best Ways to Earn Passive Income in the Philippines
  • 20 Small Business Ideas in the Philippines (2024 Update)
  • How to Be Rich: A Full Guide to Live in Prosperity
  • 10 Life Insurance Benefits & How to Get One in the Philippines
  • Pagibig MP2 Savings: All You Need to Know to Invest in 2024
  • LET GOD

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2025 · chinkeetan.com · Team Positive Inc.