Single Blog

Bakit may mga Taong mahilig magpa Libre?

Meron ba kayong kakilala na ang bukambibig ay, “Palibre naman dyan…”

O kaya naman isang kaibigan na tipong pag nagkayayaan sa isang lakad na sure ball ang paggastos, titingin na lang sa???yo at alam mong nangungusap ang mga mata niya na ilibre mo ulit siya?

O kaya naman ay sasama sa inyo sa kainan, tapos sasabihin na wala siyang pera at di siya kakain, makikipagkwentuhan lang daw, pero deadma lang ba kapag dumating yung bill para mailibre?

I’m sorry to say this, pero sa totoo lang, hindi tama na umaasa na lang tayo lagi sa libre. I’m sure maraming naiinis sa ganitong style.

Pero bakit nga ba may mga mahilig magpa libre?

Sa tingin ko, eto ang ilang mga rason:

SOBRANG KATIPIRAN
Dahil AYAW MAUBOS ang sariling pera, ayaw gumastos. Kaya hangga’t makakapag palibre, magpapa libre na lang.

Nagiging MADAMOT sa sarili pero ine-expect niya na makakatanggap ng “biyaya” mula sa ibang tao.

HINDI MARUNONG MAG-BUDGET
Ang iba naman ay sadyang hindi marunong mag HANDLE ng pera, kaya walang natitira para sa mga pang-relax na lakad.

Puro GASTOS ang nasa isip kaya kahit wala nang pera, gustong gusto pa din gumastos sa “tulong” ng mga kaibigan.

NAGING LIFESTYLE NA
Ang pagpapa libre ay NAKAGISNAN na. Nasanay na at naging parte na ng sistema kaya natural na natural na para sa kanila ang ganitong gawain.

Naging DEPENDENT na masyado sa ibang tao para sa mga ibang gustong pagkagastusan.

Yan ay ilan lamang sa mga possible reasons kung bakit may mga taong mahilig magpalibre. Wala naman masama sa libre pero kung umaasa na lang lagi dito, malaking problema na yun.

At kung isa ka sa mga taong mahilig magpa libre, gusto kitang i-challenge.

Sa darating mong sweldo, maglaan ka ng kahit magkano para makapag libre. Kahit sampung pisong fish balls lang para sa taong laging nanlilibre sayo. O kaya naman manlibre ka ng ocho pesos na pamasahe sa jeep. Or pwede din na ikaw naman ang mag “pasaload” ng limang piso sa taong laging nanlilibre sa???yo ng load.

Ilan lang yan sa mga pwede mong gawin para ikaw naman ay makapanlibre. Ikaw na bahala kung paano ka manlilibre o kung magkano ang ilalaan mo dito. Ang importante, maranasan mo ang manlibre.

It’s true na masaya makatanggap ng blessings mula sa ibang tao. Pero it’s also true na mas masarap sa pakiramdam ang maging instrument para makatanggap ng blessing ang ibang tao.

I really believe in this saying, “It is more blessed to give than to receive.” Try mo kahit once a month na pa-sampu sampung piso lang. At least matututo ka pa unti-unti kung paano magbigay at hindi lang palaging naghihintay at umaasa na ikaw ay mabibigyan.

THINK. REFLECT. APPLY.

Isa ka ba sa mga mahilig magpa libre?
Kung oo, ano sa tingin mo ang pwede mong gawin para matigil ang ganitong lifestyle?
Willing ka ba na i-take ang challenge ko na ikaw naman ang manlibre?

Be a Blessing to Others not a Burden

Comments (0)