“Ayy @!#^&^%! Nakakagulat ka naman!”
“Hahahaha @&^%$#@ nakakatawa ka talaga!”
“Bitawan mo yan, isa…dalawa…ay @#^^$@# talagang sinusubukan mo ako ah!”
Mura dito, mura doon. Kahit saan na yata eh, madalas tayo nakakarinig ng mga nagmumura, bata man o matanda na. Akala ng iba, lalo na ng mga kabataan, na ito ay normal at cute… pero sa totoo lang, HINDI.
Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit may mga taong palamura?
1. NEGATIVE EMOTIONS
“Ang ugat ng pagmumura ay galit at poot”
Ang taong nagmumura ay maaring punong-puno ng negativity sa katawan, kaya ito ang nagiging outlet niya. Hindi niya kayang itago ang negativity because it feels uncomfortable and uneasy, kaya sa pagmumura niya nire-release.
2. ENVIRONMENT
Nakakahawa ang pagmumura. Kung ang mga kasama mo sa bahay, opisina, o maski sa barkada ay ganito ang paguugali, hindi malayong mahawa ka o kaya’y maimpluwensyahan ka. Subukan mo na sumama sa mga taong mahilig magmura, darating ang araw na mabibigla ka na lang na ikaw ay mapapa-mura na rin.
3. NEED TO BE ACCEPTED
Since lahat ay nagmumura at ginagawa itong lifestyle at katatawanan, mapipilitan ka na rin magmura. Sabi ko nga, kung lahat ng nasa paligid mo ay ganyan, nandiyan yung feeling na ayaw mo ma out of place o maiba sa kanila, so join ka na lang sa kanila kahit ito ay labag sa iyong kalooban.
Para sa mga taong gustong makawala sa ganitong ugali, tapusin mong basahin itong blog na ito.
BELIEVE THAT YOU CAN CHANGE
Maniwala ka at isipin mo ang mga dahilan kung bakit gusto mo na ito ihinto. Pwede mong simulan sa:
“Titigil na ako dahil ayokong”
- “Tawagin akong uneducated o walang breeding”
- “Masabihan ang aking mga magulang na hindi ako napalaki ng maayos”
- “Matawag na bully, asal kalye, o abusado”
- “Tularan ito ng mga anak ko”
Iilan lamang ito sa madami pang dahilan para ikaw ay tumigil.
Just believe na kaya mo!
ADMIT THAT YOU ARE DOING SOMETHING WRONG
Tuwing kailan mo ba sinasabi ang mga ito; kapag naiirita ka sa customer, kapag na-late ka sa trabaho, kapag na traffic ka, o kapag na-stress ka?
Admitting that you are wrong is a huge step for you to attain the change that you want. Kung gusto mo talagang magbago, iwasan mo na ipagtanggol at pagtakpan ang isang maling gawain.
EXPRESS YOURSELF IN A DIFFERENT WAY
Instead of saying “@!#%#$ yung traffic kanina!”, you may just express it by singing out loud, eating your favorite food, window shopping, or talking to a friend. In this way, nare-release mo ang stress and pressure mo at nagkakaroon ka ng ibang outlet aside from cursing or swearing through the use of these bad words.
O kung talagang sabihin na nating nakasanayan na at unti unti mo pa lang binabago ito, you can just go directly to the point or use other words, halimbawa: “Nakakainis yung traffic kanina”, or “Ay kabayo! Late nanaman ako dahil sa traffic!”
THINK. REFLECT. APPLY
Bakit ka nagmumura at tuwing kailan?
May maganda bang naidudulot ito sa iyo?
Anong mga naisip mong ibang paraan para hindi ka na magmura?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.