Single Blog

Bakit May Mga Taong Kulang Sa Self-Control?

ANG TAONG WALANG DISIPLINA AY WALANG PAROROONAN

Naranasan mo na bang maging out of control sa isang bagay?
Yun bang alam mo namang hindi makakabuti sayo pero sige sige ka pa rin ng sige.

Halimbawa:

  • Pag yo-yosi na parang tambutso
  • Pag inom ng alak na halos gawin na itong tubig
  • Pagsusugal kahit madaming pera na ang nawala o nasayang
  • Pagkain na parang wala ng bukas
  • Pag hindi nagmura incomplete and sentence
  • Pag lalaro ng computer games magdamagan kahit walang pahinga at tulog
  • Pag sho-shopping ng sobra sobra kahit lubog na sa utang

Ang pagkawala ng self-control ay maaring maging dahilan para malagay ang iyong sarili sa kapahamakan, dahil sabi nga, lahat ng lumalabis ay masama na.

Bakit nga ba may mga taong kulang ng self-control?

ALIPIN NG TEMPTATION

Ang mga taong hirap magpigil ay sunod sunuran sa temptation. Alam namang masama at magdudulot ng kapahamakan pero pinili pa din nila ito.

Nangyayari ito dahil mahina ang kanilang loob to fight for what is right. Yun nga lang, once na nagpatalo ka dito, talagang hahatakin ka nito pababa ng walang kalaban laban. At kapag nasanay ka na, magiging alipin ka na nito.

TANGGAP NA HINDI KAYA MAGBAGO

???Eh ganito na talaga ako eh???
???Wala na, nasimulan ko na eh???
???Ang hirap kasi talaga eh???

Ang problema kasi sa mga ibang tao ay hindi yung problema, pero yung kanilang NEGATIVE ATTITUDE. Inuunahan natin kaaagad ng kanegahan. Iniisip kaagad na ???HINDI KO KAYA??? maski pwede namang sabihin na kakayanin mo at lalabanan mo ??? kaya mong pag-aralan kung paano maging in control, kaya mong magbago, at kaya mong labanan ang temptation.

Ang salitang ???mahirap???, nasa isip lang naman natin yan. Tandaan mo na magtatagumpay ka lang kung pinili mong ihandle ito with a positive attitude.

HINDI PA NAGIGISING SA KATOTOHANAN

???Hindi pa naman ako nalulubog sa utang???
???Hindi pa naman ako nagkakasakit???
???Hindi pa naman ako overweight???

May mga taong mas piniling ituloy lang ang nais nila dahil hindi pa nila nakakaharap ang pinaka consequence nito. Para sa kanila, wala pa namang nangyayaring masama.

Ang tanong ko ay???
Hihintayin pa ba natin na may masamang mangyari?
Hihintayin pa ba natin na huli na ang lahat?
Hihintayin pa ba natin na hindi na natin maituwid yung pagkakamali?

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano yung mga bagay na hindi mo mapigilang gawin?
Ano kaya ang pwede mong gawin para magkaroon ng disiplina?
Willing ka ba magbago para sa iyong ikakabuti?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link