Naranasan mo na bang maging out of control sa isang bagay?
Yun bang alam mo namang hindi makakabuti sayo pero sige sige ka pa rin ng sige.
Halimbawa:
- Pag yo-yosi na parang tambutso
- Pag inom ng alak na halos gawin na itong tubig
- Pagsusugal kahit madaming pera na ang nawala o nasayang
- Pagkain na parang wala ng bukas
- Pag hindi nagmura incomplete and sentence
- Pag lalaro ng computer games magdamagan kahit walang pahinga at tulog
- Pag sho-shopping ng sobra sobra kahit lubog na sa utang
Ang pagkawala ng self-control ay maaring maging dahilan para malagay ang iyong sarili sa kapahamakan, dahil sabi nga, lahat ng lumalabis ay masama na.
Bakit nga ba may mga taong kulang ng self-control?
ALIPIN NG TEMPTATION
Ang mga taong hirap magpigil ay sunod sunuran sa temptation. Alam namang masama at magdudulot ng kapahamakan pero pinili pa din nila ito.
Nangyayari ito dahil mahina ang kanilang loob to fight for what is right. Yun nga lang, once na nagpatalo ka dito, talagang hahatakin ka nito pababa ng walang kalaban laban. At kapag nasanay ka na, magiging alipin ka na nito.
TANGGAP NA HINDI KAYA MAGBAGO
“Eh ganito na talaga ako eh”
“Wala na, nasimulan ko na eh”
“Ang hirap kasi talaga eh”
Ang problema kasi sa mga ibang tao ay hindi yung problema, pero yung kanilang NEGATIVE ATTITUDE. Inuunahan natin kaaagad ng kanegahan. Iniisip kaagad na “HINDI KO KAYA” maski pwede namang sabihin na kakayanin mo at lalabanan mo —kaya mong pag-aralan kung paano maging in control, kaya mong magbago, at kaya mong labanan ang temptation.
Ang salitang “mahirap”, nasa isip lang naman natin yan. Tandaan mo na magtatagumpay ka lang kung pinili mong ihandle ito with a positive attitude.
HINDI PA NAGIGISING SA KATOTOHANAN
“Hindi pa naman ako nalulubog sa utang”
“Hindi pa naman ako nagkakasakit”
“Hindi pa naman ako overweight”
May mga taong mas piniling ituloy lang ang nais nila dahil hindi pa nila nakakaharap ang pinaka consequences nito. Para sa kanila, wala pa namang nangyayaring masama.
Ang tanong ko ay…
Hihintayin pa ba natin na may masamang mangyari?
Hihintayin pa ba natin na huli na ang lahat?
Hihintayin pa ba natin na hindi na natin maituwid yung pagkakamali?
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano yung mga bagay na hindi mo mapigilang gawin?
Ano kaya ang pwede mong gawin para magkaroon ng disiplina?
Willing ka ba magbago para sa iyong ikakabuti?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Check on these other related articles:
- How To Develop Self-Control
- 3 SIMPLE STEPS TO DISCIPLINE YOURSELF FROM SPENDING
- SAVING THROUGH THE PALUWAGAN SYSTEM
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.