Do you love whatever you’re doing or napipilitan ka lang na gawin ito dahil kailangan?
Nakikiusap ako na huwag naman sana natin maliitin ang mga ginagawa natin. In all that we do, we need to do our best whether the task is small or big. Because in doing our best it means that ginagawa natin ito na may kasamang pagmamahal, na may puso. May kasabihan nga eh, kung gagawin mo na, itodo mo na!
Kung hindi mo talaga feel ang ginagawa mo, let me give you one GOOD REASON why you should do everything from your heart.
WORK FOR THE LORD
Sabi din sa Colossians 3:23, “Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for men.”
May mga iba’t ibang motivation tayo kung bakit natin ginagawa ang mga bagay bagay. Pwedeng para sa pamilya o sa personal growth. Pero ang pinakamagandang motivation ay si Lord. Siya kasi ang nagbibigay sa atin ng kalakasan araw-araw upang magawa natin ang mga bagay na dapat o kailangan natin gawin.
Importante ang puso sa ating ginagawa because the difference lies not on what we do but how we do it. Ang dalawang basketball player ay may magkaibang level ng galing hindi dahil ipinanganak ang isa sa kanila na mas magaling. Yes, every day ay nagpa-practice sila. Every game ginagawa nila ang best nila. Pero may isang lumalamang at yun ay ang player na ang kanyang motive or purpose sa bawat laro is not just the game, but he is doing it for God.
DO IT ALL FOR THE GLORY OF GOD
Sabi sa Bible, sa 1 Corinthians 10:31, “Whatever you do, do it all for the glory of God.”
Kailangan ng puso sa ating ginagawa para ma-glorify natin ang ating Panginoon in the end. Kung balewala lang kasi para sa atin ang mga ginagawa natin, hindi natin mabibigyan ng glory si God na Siyang lumikha sa atin.
At bakit naman natin kailangan i-glorify si God? Tulad ng sinabi ko kanina, Ang Diyos ang lumikha sa atin. At kung hindi dahil sa Kanya ay wala tayo. Hindi natin magagawa ang mga gusto o kailangan nating gawin.
One God is glorified sa work mo, then He will also reward you.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw feel mo pa ba ang work mo?
Ano ang motivation mo kung bakit ka ba nagtratrabaho?
Glorifying God and working for the Lord are perfect motivations to do your work with all your heart.
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to put your heart to your work? You can also check out these related articles:
- MAHAL MO BA ANG WORK MO?
- What Annoys You In Your Workplace?
- WHAT MOTIVATES ME?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.