May nakatabi akong isang mama sa eroplano na walang ibang ginawa sa buong biyahe kundi ang magreklamo.
“Ano ba yan! Ang dami naman ng pasahero.”
“Ang sikip naman ng mga upuan.”
“Nagbigay nga ng merienda, biscuit naman!”
Habang nakaupo ako sa tabi, dalawang bagay ang nais kong gawin.
Una, magpalipat ng upuan.
Pangalawa, sagutin lahat ng kanyang mga reklamo.
Reklamo niya: “Ano ba yan! Ang dami naman ng pasahero.”
Sagot ko: “Eh, di bilhin mo yung buong flight para wala kang kasabay.”
Reklamo niya: “Ang sikip naman ng mga upuan.”
Sagot ko: “Kung nasa business class ka, maluwag ang silya at legroom.”
Reklamo niya: “Nagbigay nga ng merienda, biscuit naman!”
Sagot ko: “Sa business class, may sandwich, hot meals and unlimited drinks.”
Minsan nakakapagod tumabi o ma pasama sa mga taong mahilig magreklamo. Yun tipong lahat napapansin, lahat may negative comment siya, lahat nalang iniinda at pinupuna nya.
Pero minsan, ako rin naman ay napapareklamo din. Araw-araw na traffic, sobrang init na panahon, mga balita sa TV na puro bad news at kung ano-ano pa.
BAKIT NGA KAYA ANG SARAP MINSAN MAGREKLAMO?
OUTLET
Ang pagrereklamo ay nagiging isang pamamaraan kung paano tayo maglabas ng ating mga sama ng loob. Ang mga laman ng puso at kalooban natin ay lumalabas sa ating mga bibig. Tila baga nagiginhawaan tayo kapag nakakapagreklamo tayo.
IT’S MY RIGHT
Pakiramdam natin may karapatan tayong MAGREKLAMO. Bakit? Kasi?
Nagbayad ako.
Pumila ako.
NagHIRAP ako.
Malaya tayong nagrereklamo sa paniniwala nating karapatan natin ito bilang tao. Minsan wala na tayong pakialam sa nararamdaman o pinagdadaanan ng iba kasi ang mahalaga lang sa atin ay ang karapatang makapagreklamo.
HABIT
ISANG pag-uugali na nakasanayan na natin. Marahil lumaki tayo sa pamilya na ungrateful at puro reklamo kaya naman bahagi na ito ng pagkatao natin. Maaari ding napapaligiran ka ng mga taong panay ang reklamo kaya naman naging bahagi na ito ng sistema mo. Ang pagrereklamo ay isang habit na gusto mo nang baguhin pero hirap na hirap ka.
Anuman ang dahilan natin kung bakit tayo nagrereklamo, gusto kong sabihin sa inyo na ang pag-uugaling ito ay walang magandang maidudulot sa atin pati na rin sa mga taong nasa paligid mo. Lalo lang nitong pinapabigat ang kalooban mo, pinapa-init ang ulo mo at pinalulungkot ang buhay mo. Hindi lang yun, nakakahawa pa ito.
Imbis na magreklamo, isipin na lamang natin ang mga bagay na dapat nating ipagpasalamat.
Why don’t we turn your complaints into thankfulness?
Marami man ang mga bagay na talaga namang karekla-reklamo, naniniwala akong mas marami pa rin ang mga bagay na dapat ipagpasalamat. Let’s always find the good thing in everything. Always look at the brighter side of life so you will have no time to complain. Be grateful everyday and in everything.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang mga nirereklamo mo ngayon?
Nasubukan mo na bang tignan ang brighter side ng mga pinagdadaanan mo?
Have you thanked GOD for your unseen blessings?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
- Huwag Mareklamo
- MAG-FOCUS SA BIYAYA KAYSA SA PROBLEMA
- BAKIT MAS MADALI MAG COMPLAIN?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.