Single Blog

Bakit Kailangan Muna Magbayad ng Utang Bago Mag-Shopping?

Ang Taong Walang Utang Ay Makakatulog Ng Mahimbing

Parang kailan lang ay hinihintay lang natin ang December, at heto na, dumating na nga ang pinaka masaya na buwan ng taon – ang buwan ng kapaskuhan.

Karamihan siguro ay natanggap na yung bonus o ang 13th month pay. Matanong kita, ano ang balak mong gawin sa pera mong iyan o saan mo na ito balak gastusin?

  • “Pinamili ko na ng mga regalo sa pamilya, officemates at mga kaibigan.”
  • “Binili ko na yung inaasam asam kong branded na relo. Ang tagal ko din hinintay yun ah”
  • “Naku, syempre maghahanda ako ng bongga sa pasko! Lechon, hamon, salad, lahat! May pera naman ako!”

Sa mga halimbawa na ito, ano ang nangyayari sa BONUS ng karamihan sa atin mga Pilipino kapag malapit na ang pasko? GASTOS, hindi ba?

Wala naman masama sa pag gastos. Pero sana bago gumastos ay tanungin mo muna ang iyong sarili kung ikaw ay may PINAGKAKAUTANGAN. Madalas ay nakakalimutan nating magbalik sa mga taong nakatulong sa atin at nawawala sa isip natin na may mga pinagkakautangan pala tayo. Kung ikaw ay may pinagkakautangan na tao, banko, o kung ano mang lending or credit card company, dapat mo itong bayaran. Ito dapat ang nasa isipan mo bago mag-shopping at magpakasarap sa buhay.

Kung nais mo mapabuti ang iyong financial situation, mas maganda na babaliktarin mo ang gagawin.
Bayad muna bago shopping.

Bakit?

1. FIRST PRIORITY
Ang utang ay utang. Kung baga napaka swerte mo at may kumpanya o (mga) taong nagmagandang loob na pahiramin ka ng pera noong mga oras na gipit ka, so they deserve to be paid back ASAP kapag nagkaroon na tayo ng pera.

They should be your priority, more than anything else. Priority ba ang bagong damit o sapatos versus utang? Syempre utang muna.

2. FINANCIAL SECURITY
Sabi nga, “debts are threats” to your finances.

Halimbawa, inuna mo ang shopping bago magbayad sa kanila dahil iniisip mo next year na lang kasi mapapalitan naman kaagad kapag sumweldo ka sa susunod na buwan.

Eh paano kung wala na palang susunod dahil bigla ka natanggal sa trabaho o nagka-emergency ka kaya kailangan mo mag-resign? Saan mo ngayon kukunin ang ipangbabayad sa utang mo? Dito na ngayon pumapasok ang patong patong na utang hanggang sa mahirapan ka na umahon.

Kaya hanggat may pera ka bayaran mo na muna para lumiit o mabawasan man lang ang kargo mo. Once na matapos mo na ito, you???re free to do whatever you want ng hindi nagi-guilty.

3. BRINGS YOU PEACE
Speaking of guilt, kapag inuna natin ang saya sa responsibilidad, hindi natin maiiwasang hindi makatulog, matulala, mamroblema, ma-pressure, at ma-stress because every single day, you???re thinking of ways and strategies on how you would pay off your debts.

Paying them first will reverse this situation. It is in knowing that you don???t have any hanging obligations that you will have peace.

“Eh kaso paano naman yung mga gusto ko bilhin para sa sarili ko at sa ibang tao? Pasko pa naman”

Yun nga eh, ang pasko ay tungkol sa pagdating ni Hesus at togetherness ng pamilya. Ang pasko ay hindi tungkol sa material things. Ito lang ang pagtuunan mo ng pansin, wala nang iba.

4. FREES YOU FROM SHAME
Nakakahiya naman kung mamimili ka ng mamimili tapos may utang ka naman pala.

Eh paano kapag nahuli ka pa ng pinagkakautangan mo? Alam mo mangyayari? Magiging tampulan ka ng tsismis, intriga, at inis dahil ang dami mong bagong gamit pero hindi ka naman marunong magbayad ng utang.

THINK. REFLECT. APPLY

Saan mo ginamit ang pera mo? O Saan mo balak gastusin?
Bago ka mamili, nabayaran mo na ba ang utang mo?
Willing ka bang unahin ang pagbabayad at i-give up ito para malinis na ang record mo?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link