Parang kailan lang ay hinihintay lang natin ang December, at heto na, dumating na nga ang pinaka masaya na buwan ng taon – ang buwan ng kapaskuhan.
Karamihan siguro ay natanggap na yung bonus o ang 13th month pay. Matanong kita, ano ang balak mong gawin sa pera mong iyan o saan mo na ito balak gastusin?
- “Pinamili ko na ng mga regalo sa pamilya, officemates at mga kaibigan.”
- “Binili ko na yung inaasam asam kong branded na relo. Ang tagal ko din hinintay yun ah”
- “Naku, syempre maghahanda ako ng bongga sa pasko! Lechon, hamon, salad, lahat! May pera naman ako!”
Sa mga halimbawa na ito, ano ang nangyayari sa BONUS ng karamihan sa atin mga Pilipino kapag malapit na ang pasko? GASTOS, hindi ba?
Wala naman masama sa pag gastos. Pero sana bago gumastos ay tanungin mo muna ang iyong sarili kung ikaw ay may PINAGKAKAUTANGAN. Madalas ay nakakalimutan nating magbalik sa mga taong nakatulong sa atin at nawawala sa isip natin na may mga pinagkakautangan pala tayo. Kung ikaw ay may pinagkakautangan na tao, banko, o kung ano mang lending or credit card company, dapat mo itong bayaran. Ito dapat ang nasa isipan mo bago mag-shopping at magpakasarap sa buhay.
Kung nais mo mapabuti ang iyong financial situation, mas maganda na babaliktarin mo ang gagawin.
Bayad muna bago shopping.
Bakit?
1. FIRST PRIORITY
Ang utang ay utang. Kung baga napaka swerte mo at may kumpanya o (mga) taong nagmagandang loob na pahiramin ka ng pera noong mga oras na gipit ka, so they deserve to be paid back ASAP kapag nagkaroon na tayo ng pera.
They should be your priority, more than anything else. Priority ba ang bagong damit o sapatos versus utang? Syempre utang muna.
2. FINANCIAL SECURITY
Sabi nga, “debts are threats” to your finances.
Halimbawa, inuna mo ang shopping bago magbayad sa kanila dahil iniisip mo next year na lang kasi mapapalitan naman kaagad kapag sumweldo ka sa susunod na buwan.
Eh paano kung wala na palang susunod dahil bigla ka natanggal sa trabaho o nagka-emergency ka kaya kailangan mo mag-resign? Saan mo ngayon kukunin ang ipangbabayad sa utang mo? Dito na ngayon pumapasok ang patong patong na utang hanggang sa mahirapan ka na umahon.
Kaya hanggat may pera ka bayaran mo na muna para lumiit o mabawasan man lang ang kargo mo. Once na matapos mo na ito, you’re free to do whatever you want ng hindi nagi-guilty.
3. BRINGS YOU PEACE
Speaking of guilt, kapag inuna natin ang saya sa responsibilidad, hindi natin maiiwasang hindi makatulog, matulala, mamroblema, ma-pressure, at ma-stress because every single day, you’re thinking of ways and strategies on how you would pay off your debts.
Paying them first will reverse this situation. It is in knowing that you don’t have any hanging obligations that you will have peace.
“Eh kaso paano naman yung mga gusto ko bilhin para sa sarili ko at sa ibang tao? Pasko pa naman”
Yun nga eh, ang pasko ay tungkol sa pagdating ni Hesus at togetherness ng pamilya. Ang pasko ay hindi tungkol sa material things. Ito lang ang pagtuunan mo ng pansin, wala nang iba.
4. FREES YOU FROM SHAME
Nakakahiya naman kung mamimili ka ng mamimili tapos may utang ka naman pala.
Eh paano kapag nahuli ka pa ng pinagkakautangan mo? Alam mo mangyayari? Magiging tampulan ka ng tsismis, intriga, at inis dahil ang dami mong bagong gamit pero hindi ka naman marunong magbayad ng utang.
THINK. REFLECT. APPLY
Saan mo ginamit ang pera mo? O Saan mo balak gastusin?
Bago ka mamili, nabayaran mo na ba ang utang mo?
Willing ka bang unahin ang pagbabayad at i-give up ito para malinis na ang record mo?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
You can also check these related articles in handling your money wisely:
- What Is The Purpose Of Money?
- BAYAD UTANG IN 4 EASY STEPS
- WORST MONEY MISTAKE ANYONE CAN MAKE
- TOP 3 BIGGEST MONEY MISTAKES
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.