Ito yung mga tanong natin sa ating sarili na sana
nalaman natin habang maaga pa para hindi na sana
nahuli at mas natutunan natin nang maaga.
Nung kabataan pa natin naging focus ang pag-suporta
sa pamilya at mga pangangailangan natin
in our everyday life pero paano kapag nag-retire na tayo?
Iniisip natin noon, matagal pa naman yun kaya pwede
pa natin paghandaan sa mga susunod na taon until we
realized that we are not getting any younger anymore.
Kaya ito ang ilan sa mga tanong natin:
BAKIT HINDI KO ITO GINAWA NOON?
This might be about our chosen career or path. Bakit
nga ba hindi natin ginawa yun noon nung mas kaya pa
natin at may lakas pa tayo na gawin ang mga ito?
May punto ba sa buhay natin ngayon na sana pwede
nating mabalikan at ma-reset? Sana ginawa natin ito at
baka mas naging maganda ang takbo ng buhay natin.
Sa punto ba ng buhay natin ngayon, hindi na nga ba natin
ito magagawan ng paraan? Naubusan ka na ba ng lakas
ng loob na subukan at ibahin muli ang daloy ng buhay?
Kung ngayon lang natin na-realize ito, maaaring may
magawa pa tayo. Sabi nga: Habang may buhay may
pag-asa. Kaya huwag na natin sayangin pa ang panahon.
Sa pagkakataon na ito, piliin na nating gawin ang mas
may makabuluhan at bigyan natin ang ating sarili ng kalayaan
para mas ayusin ito.
Hindi pa huli ang lahat kung tinatanong natin..
BAKIT SILA MAY GANOON?
Isa sa pinakamalungkot na pakiramdam ay ang maawa tayo
sa ating sarili at sa ating kalagayan.
Pakiramdam natin na ang daming mali sa buhay natin.
To the point na nade-depress na tayo. Isa ito sa kailangan
ay aware tayo. Mahalaga na may nakakausap tayo at may
nalalapitan tayo. Huwag matakot humingi ng tulong sa iba.
Simulan natin sa pagtanggap sa ating sarili at kung ano
ang mayroon tayo. Nakalulumbay kapag lagi nating
tinitingnan kung ano ang mayroon ang iba at wala tayo.
Nakalilimutan natin na we are still blessed. Let’s count
our blessings and never waste our essence and purpose
in life dahil maraming tao ang nagmamahal talaga sa atin.
We just have to open our eyes wider. Mayroon ding pinag-
dadaanan ang ibang mga tao. Ang sa atin na lamang ay
kung paano natin haharapin ang sariling atin.
Umiwas sa mga bagay na hindi mahalaga dahil
BAKIT KA MAGPAPA-APEKTO?
Bakit nga ba tayo magpapaapekto sa mga bagay na wala
namang kinalaman o may maidudulot sa ating buhay? Ano
naman kung naghiwalay na ang mga artista na iyon, ‘di ba?
Ano naman kung may bagong sasakyan ang kapitbahay
natin? Bayad na nga ba talaga yun? Kung talagang afford
nila ay dahil talagang pinagpaguran din naman nila ito.
Kung gusto rin natin nito ay kailangan gumawa tayo ng
mas makabuluhang bagay sa ating buhay na maganda at
isipin kung paano tayo mas uunlad sa puntong ito.
Tayo ang kikilos para maisakatuparan ang ating mga
pangarap. Huwag na nating isipin pa ang bawat panahon
na lumipas at matakot sa bawat araw na darating sa atin.
We need to move. We need to be driven. Kaya natin at
kakayanin natin. At balang araw, kapag naaalala natin ang
puntong ito ay masasabi nating: “Nagawa ko iyon.”
“Hindi lahat ng katanungan sa buhay ay dapat nating masagot.
Piliin lamang ang makatutulong upang pangarap natin ay maabot.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Saang punto ka na ng buhay mo?
- Makabuluhan ba ang mga ginagawa mo ngayon?
- Anu-ano ang mga pangarap mo at gusto mong marating sa buhay?
—————————————————————————-
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.