Single Blog

Bakit Ba Ako Nahihiya?

KUNG ANO ANG PINANIWALAAN MO YAN ANG MAGIGING PAGKATAO MO

Ano ba ang ikinahihiya mo sa iyong buhay?

Nahihiya ka bang mag??recite dahil baka mali ang maisagot mo?
Nahihiya ka bang manligaw dahil mas nakakaangat sa buhay ang iyong gustong ligawan?
Nahihiya ka bang mag??offer ng iyong binebenta dahil baka tanggihan ka lang?
Nahihiya ka bang magtanong ng instructions kasi baka isipin na hindi ka ganun katalino?
Nahihiya ka bang mag??share ng iyong ideas kasi feeling mo hindi naman masyadong maganda ang mga ito?

Ang pagiging mahiyain ay isang malaking hadlang for us to become successful.

But the good thing is, pwede natin itong ma??overcome.
How?

By following these steps:

DISCOVER ITS CAUSE

Una sa lahat, kailangan maunawan ang UGAT ng pagiging mahiyain.

We need to deal with the roots kasi balewala kung tatanggalin lang natin ang mga dahon from the tree of shyness pero nanatiling malusog ang mismong mga ugat nito.

Isang madalas na rason ay TUMATAK ito sa iyong isipan mula ng ikaw ay bata pa. Sinabi ng iyong nanay, ???Naku! Napakamahiyain talaga nitong batang ito.???

At kung ito ang madalas mong marinig, malamang ito ang pinaniniwalaan mo, at magiging TOTOO sa iyong buhay. Kaya kung ang rason ay dahil ito ay naitatak na sa isipan mo mula nang ikaw ay bata pa, unti??unti mo itong BURAHIN sa pamamagitan ng pagtatatak ng mga positibong bagay na gusto mong maging totoo sa buhay mo.

FIND YOUR STRENGTHS

Isang paraan para mabura sa isipan mo na ikaw ay mahiyain is by KNOWING your strengths.

Lahat naman tayo ay may kanya kanyang kakayanan. At hindi ginawa ni Lord na pare??parehas ang mga ito. Gaya na lang ng mga parte ng katawan, hindi niya ginawang mata mula ulo hanggang paa. Imagine na lang kung ganun, hindi magandang tingnan diba?

So kung hindi mo kayang magsalita sa harap ng maraming tao, ok lang yun. Baka naman talento sa pagsusulat ang IBINIGAY ni Lord sa???yo.

EDUCATE YOURSELF

At kung hindi ka pa ganun kagaling sa talento na ipinagkaloob sa???yo, ayos lang din yun. All you need to do is to MAKE TIME to train yourself.

Even before pa daw magsimula ang bawat official training, nagpa??practice na daw mag??shoot si Stephen Curry. And by the time na mag??start na officially ang training, naka 100??150 shots na siya. familiar sa salitang ???swish??? sa basketball, ang ibig sabihin from Google ay, ???sink (a shot) without the ball touching the backboard or rim.???

Ganun siya katindi mag??training. Before, during and after the official training, he is doing his BEST.

Kaya naman sa actual basketball game, he is CONFIDENT in every shot that he takes.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ano ang root cause ng iyong pagiging mahiyain?
Alam mo na ba ang mga strengths mo?
Are you training yourself para ma??master mo ang iyong skills?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link