Naranasan mo na ba ang mga ito?
Ang tagal mo na nakapila sa terminal ng jeep, fx, o taxi…
Yung feeling na malapit mo na i-shoot ang LRT card mo sa machine…
Turn mo na sa cashier ng restaurant para umorder…
Umandar na sa wakas ang lane mo na sobrang traffic…
Tapos bigla kang siningitan? Nagkatinginan at nagkasagutan pa kayo,
at nauwi lang sa irapan, parinigan, o away?Yan ang madalas na mangyari sa akin, lalo na sa paglinya sa airport. Ay grabe, nakakainis at nakakapikon. Ang tagal mo pumila at nirespeto ang karapatan ng iba, pero ang mga iba walang pakialam at patay malisya pa habang sumisingit.At kung minsan, nauuwi ito sa pikunan, naghamon ng away, nagkasakitan, at nakuhaan ng cctv o camera phones, therefore, instant upload, instant balita.
Bakit nga ba likas na sa atin ang ugaling ayaw magbigayan?
1. MAKASARILI
Ito yung pansariling kapakanan lang parati ang iniisip at ang objective tulad ng: “male-late na AKO sa opisina”, “may hinahabol AKONG meeting”, “gutom na gutom na AKO”, o “kailangan KO nang makauwi” — lahat pang sariling kapakanan.
Ang laging laman ng isip ng mga taong makasarili ay yung gusto nila kahit na sa maling paraan, dahil para sa kanila, meron silang so much urge to satisfy what they desire.
At kapag ang tao ay makasarili, isa na din siyang…
2. MANHID
Ito yung mga taong feeling nila, sila lang ang nagmamadali, sila lang ang kailangan makasakay, o sila lang ang kailangan mauna. Kaya kahit na pagsabihan sila, mapapansin mong parang wala silang naririnig o yung patay malisya ba.
Katulad ng nakasabayan ko noon sa mall na parang magkaibigan, tumatawa pa sila habang ginagawa nila ang paniningit, sabay sabi: “Okay lang yan, di naman niya tayo kilala”
3. AYAW MAGPATALO
Feeling natin ang buhay ay isang kumpitisyon na kung saan ang mga kalaban natin ay yung mismong tao sa paligid natin.
Tulad nalang sa kalsada, kapag may nakitang kotse na gusto sumingit, ewan ko kung bakit tumataas ang dugo ng karamihan. So instead na pagbigyan, uungusan ng uungusan na halos magdikit na ang dalawang kotse para lang iparamdam na hindi ka magpapasingit.
Resulta? Napakalakas na busina, iilawan ng paulit ulit, at kung minsan, ibababa pa ang bintana at sisigawan.
4. MAYABANG
May mga taong mataas masyado ang tingin sa sarili kaya gusto makalamang dahil pakiramdam nila deserve nila ito, eh pantay pantay lang naman ang lahat kung tutuusin kahit ano pa ang estado mo sa buhay.
Kung sa pagpila na rin lang, in a general perspective, pare pareho lang kayo naghihintay at pare pareho lang din na may nauuna sa inyo.
Kaya kailan man, hindi magiging basehan ang profession, ang damit, ang yaman, o itsura para ipagmalaki at ipagmayabang na dapat ka mauna at hindi maging mapagbigay.
5. ENVIRONMENT
Kung minsan, hindi naman ganoon ang iyong pag-uugali since nakikita mo na ito ay ginagawa na ng lahat, may feeling ka ba na bakit ako magpapa lamang at malulugi lang ako. Kaya dapat unahan ko na sila, anyway dalawang klaseng tao lang naman ang tao sa mundo, isang nanlalamang at nagpapalamang, mabuti na lang ikaw ang __________. Ikaw na lang ang mag fill in the blank.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay mapagbigay o ikaw yung mahilig manlamang?
Anong dahilan kung bakit ka ganito?
Paano natin mababago ang ganitong ugali?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? Check out on these other related posts:
- MAHIRAP KASAMA ANG MGA SELFISH
- How To Deal With Self-Centered People
- DO YOU WANT TO BE PROSPEROUS
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.