Naiinis ka ba sa mga taong hindi marunong sumunod sa patakaran?
May traffic light naman, pero hindi pa rin ito sinusunod.
May basurahan naman, pero kahit saan pa rin tinatapon.Ang isa sa mga bagay nahihirapan tayong sumunod ay sa mga BATAS at PATAKARAN.
Ano ba ang ibig sabihin ng patakaran? Minsan kasi ang tingin natin sa mga PATAKARAN ay hindi ALITUNTUNIN kung hindi MUNGKAHI o SUGGESTIONS lamang. When in fact, ito’y ginawa upang magkaroon ng pagkakaisa at disiplina. Yun bang kapag sinunod natin ito, maiiwasan ang away at gulo. Kahit alam po natin na kailangan natin sundin ito, pero bakit nga ba hirap ang iba na sumunod sa patakaran?
WALANG LEADERSHIP BY EXAMPLE
“Bakit naman ako susunod eh yung mismong mga nagpapatupad o yung mga inaasahan nating unang susunod ay hindi naman sumusunod!”
Ito yung mga oras na habang nakasakay tayo sa kotse, jeep, taxi, o kung ano mang public transportation bigla na lang natin makikitang *sorry for the word*, dudura sa kalsada, magtatapon ng pinagkainan sa tabi-tabi, naka motor pero walang helmet, o yung mga petiks lang sa trabaho na ikaw pa mahihiya kapag inabala mo sila habang naglalaro ng Clash of Clans o Solitaire, nagkekwentuhan, o natutulog habang oras ng trabaho.
Nakakalungkot man isipin, pero yung mga taong nasa kapangyarihan ay ang mismong umaabuso at hindi sumusunod sa batas na kanilang itinakda.
Feeling kasi nila, may EXEMPTION to the rule. Well, we just need to accept that the rule applies to ALL.
Pero ito ang mungkahi so mga taga TEAM POSITIVE na sumusunod sa blog na ito; kahit ayaw nilang sumunod, SUMUNOD TAYO at tayo ang MAGSIMULA NG PAGBABAGO.
“Eh Chinkee, lugi naman ata tayo kung tayo lang ang susunod!”
Alam niyo, kung hindi tayo susunod sa BATAS at PATAKARAN, ano ang pinagkaiba natin sa kanila? Ano nalang ang mangyayari sa bansa natin kung walang MAGSISIMULA NG PAGBABAGO, hindi ba?
Ang isa pang dahilan kung bakit nanawa na ang tao o di sumusunod ay dahil…
WALANG NAPAPARUSAHAN
SA ating bansa daw ay nagkakaroon lang ng selective justice, yung batas daw ay para lang daw sa mga mahihirap, pulubi at walang impluwensiya. Sabihin na nating hindi lahat napaparusahan, pero hindi dapat ito ang ating batayan.
Huwag nating hintayin na may maparusahan o mag-suffer sa consequences para lang sumunod. Maparusahan man o wala, may nakatingin man sa atin o wala, ang dapat natin kinatatakutan ay ang konsensya natin kapag itinuloy natin gawin ang isang maling bagay.
Gawin natin kung ano ang tama.
Halimbawa:
Kung ayaw nilang pumila, pumila ka pa din ng maayos at huwag magparinig o magbuntong hininga para hindi mapa-away;
Kung ayaw nilang sumunod sa batas trapiko at laging sumisingit, hayaan mo sila at huwag gumaya o pumatol;
Kung hindi sila nagtapon ng tama, set an example by reminding them what to do in a nice way
Dapat tayo ang maiba! Huwag tayong tumulad sa mga taong hindi marunong sumunod at huwag tayong magpapadala sa agos ng PAGKAKAMALI at KABALUKTUTAN.
Kaya ako ay nananawagan sa mga TEAM POSITIVE, kung gusto natin ng pagbabago, huwag na natin hintayin yung ELEKSYON 2016. MAGUMPISA AT MAGSIMULA TAYO NGAYON SA SARILI… NOW NA!
Bakit kailangan sumunod sa batas at patakaran?
Because a great country is composed of positive & disciplined individuals who are willing to step up and make a change.
THINK. REFLECT. APPLY.
Paano kayo tayo mabuting halimbawa sa mga taong ayaw sumunod sa batas?
Ano sa palagay mo ang magiging kontribusyon natin sa araw na ito, para sa PAGBABAGO?
Matutong sumunod sa patakaran.
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to take small steps to change? You can also check these other related posts:
- GUSTO KONG UMAYAW
- I DISCOVERED THE SECRET OF MAYOR DUTERTE OF DAVAO
- Pres. Duterte Inspirational Tips: Removing The Entitlement Mentality
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.