Single Blog

Bakit Ang Hilig Nating Pansinin Ang Mali Ng Iba?

PANSININ MUNA NATIN ANG SARILING PAGKAKAMALI BAGO MAMUNA NG IBA

Aminin man natin o hindi, guilty din tayo minsan sa pagpuna ng mga mali sa iba. Tila ba yun ang una nating nakikita sa isang tao. Halimbawa na lang nagkita kayo ng matagal mo ng kaibigan, ang bati mo sa kanya, ???Uy ang taba mo ngayon ah????, o di kaya, ???Anong nangyari sa mukha mo? Bakit puro ata pimples????.

Hindi dapat maging habit ang pagpansin at pagpuna ng pangit at mali sa isang tao. Bakit hindi dapat tayo masanay na mamuna ng iba?
Because…

WE ALL HAVE FLAWS

Walang perpekto sa atin. Lahat tayo ay may kapintasan at kahinaan, kaya naman lahat tayo ay nagkakamali at pumapalpak. Sabi nga ng Diyos, bakit mo pinupuna ang muta sa mata ng ibang tao, samantalang ikaw mismo ay may graba sa sarili mong mga mata? Bago tayo magcomment tungkol sa pagkakamali ng iba, tignan muna natin ang ating sarili. Iwasan natin magmalinis o mag magaling.

IT WILL NOT MAKE US SUCCESSFUL

Pointing out other people???s failure or flaw will not make us any better, nor will it make us successful.or beautiful. Ika nga e, hilain mong pababa ang iba, hindi ka naman aangat. Malungkot man isipin at tanggapin, marami pa rin sa atin ang may crab mentality. Hindi dapat ganyan. Dapat magtulungan, dapat sabay-sabay tayong umunlad at makaahon. Matuto tayong makisaya sa success ng iba. Huwag kang mag-alala, darating din yung araw mo.

WE ARE ALL AN UNFINISHED MASTERPIECE

Each of us are God???s masterpiece, but we are still a work in progress. We can improve everyday. Experiences and learnings in life make us a better person. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam at tanging Siya lamang ang may karapatang humusga sa bawat isa sa atin.
We are not perfect and we all need God???s grace and mercy.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ugali mo bang punahin ang mali at kapintasan ng iba?
How do you react when people point out your mistakes?
Do you have a crab mentality?

Comments (0)

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link