Have you ever told yourself these following statements:
“Ano ba ‘to, bakit ganito itsura ko?”
“Hay, bakit hindi ako pumapayat?”
“Baka pagtawanan lang nila uli ako”
“Hindi ako matatanggap diyan, panigurado, hindi naman ako kasing-galing ng iba.”
Admit it or not, lahat tayo ay dumadaan sa stage ng insecurity. May mga oras na ikinahihiya natin ang ating sarili. Ayaw natin magsalita, lumabas, o kumilos man lang, dahil sa takot na mapansin ng tao ang mga flaws natin. Ang tanong, valid ba itong nararamdaman natin o talagang nakakahiya?
Ano ba ang signs na ikinakahiya mo ang sarili mo?
LAGING NAGTATAGO
Kapag may tendency kang magtago sa tao. Ayaw mong makita ka, may makausap, o makasalubong man lang, dahil nandun yung takot mo na baka mapuna yung tingin mong mali sayo.
Hiding is a sign of insecurity. Minsan nga kahit wala namang intensyon ang iba, iniisip mo na kaagad ito at pinangunahan mo na ikaw ay pinaguusapan.
ISINI-SIKRETO ANG IYONG SALOOBIN
Yung una, physical, ito naman pangalawa ay kung ano naman ang nilalaman ng iyong isip at puso. Yung iba sa atin ginagawa ito para pagtakpan ang sarili, lalo na kapag mas angat o lamang ang iba sa iyo. Lumalabas na naman ang ating insecurity at ayaw mong humingi ng tulong, kahit alam mo na di mo kaya.
Ang pagsasabi ng totoo ay hindi kabawasan sa iyo. Ang sikreto sa pagdadala ay yung confidence mo at pag appreciate ng kung anong meron ka. Kung ikaw ay may pagkukulang o nagawa naman na kamalian, aminin na natin at ayusin po.
PAG-UNGKAT NG NAKARAAN
Na-experience niyo na ba na simulan ang sentence niyo sa salitang “Dati….”
“Dati ang payat ko, pero ngayon…”
“Dati best employee ako, pero ngayon…”
“Dati wala akong utang, pero ngayon…”
Always comparing your past to the present is also a sign of insecurity. Panakip butas lang ang pagkukwento mo ng iyong past accomplishments, pero sa totoo lang, ikinakahiya mo ang iyong sarili dahil wala ka na-accomplish ngayon. My encouragement to you is to focus on the present, dahil kung ano man yung magandang nangyari dati, posible na mangyari ulit kung gugustuhin mo.
Siguro may mga pagkakataong may ginagawa ka at nakakapagsabi ka ng mga bagay na kinakahiya mo ang iyong sarili. Ang tanong lang ay ito – ito ba ay tunay na pag amin na kailangan mong mag-improve at matuto, o ito ay isang senyales lang ng INSECURITY?
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano yung mga bagay na kinakahiya mo sa sarili mo?
Bakit mo ito kinakahiya?
Ito ba ay dahil lang sa ating insecurity?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts:
- Bakit Ba Ako Nahihiya?
- May Tiwala Ka Ba Sa Sarili Mo?
- Mag-Decide Ka Para Sa Sarili Mo
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.