BAGONG TAON NA BUKAS!
Karamihan sa atin ay may kanya-kanyang tradisyon
tuwing sasapit ang bagong taon.
Nandyan yung:
- Magsusuot ng polka dots na sumisimbulo sa barya.
- Tatalon ng ilang beses para tumangkad.
- Magbubukas ng bintana pagpatak ng 12 para pumasok ang grasya.
- Maghahain ng malalagkit na pagkain para dumikit ang swerte.
- Mag-i-ingay, magpapaputok, bubusina, magtotorotot para itaboy ang malas.
Wala namang masama sumunod sa tradisyon
pero sa likod ng lahat ng ito,
kailangan natin ma-realize na
balewala ang mga ito kung hindi tayo kikilos.
Ang mahirap pa nito, kakasunod natin,
nakakalimutan na nating magsipag at
gamitin ang ating kakayahan at isip
dahil nakaasa lang tayo dito.
Ano ba ang dapat nating tandaan?
AANHIN ANG POLKA DOTS, KUNG TATAMAD-TAMAD?
(Photo from this Link)
Papaano tayo magkakaroon ng barya o
pera in general kung
hindi naman tayo kumikilos?
Nakahilata magdamag.
Nakaasa sa mga magulang at kapatid.
Naghihintay may malaglag na biyaya.
Kahit pa mag-polka dots
mula ulo hanggang paa,
hindi natin ito makakamit
ng hindi kumakayod at
tumatayo sa sarili nating mga paa.
AANHIN ANG PAGKAING MALAGKIT, KUNG ANG KAPALARAN AY NASA KAMAY NG PANGINOON?
(Photo from this Link)
Sabi ng iba, kailangan ng malagkit
para dumikit ang swerte.
Kaso ang kapalaran,
wala naman sa pagkain iyan.
Alam n’yo kung nasa’n?
Nasa kamay ng Panginoon.
Lahat ng nangyayari sa ating buhay
ay pinlano Niya na naaayon sa
kung ano ang dapat at kung ito ba
ay tamang oras na para ibigay sa atin.
“Eh bakit siya, ang ganda na ng buhay nya?”
“Alam ko naghanda sya ng malagkit eh.”
Nangyari iyon hindi dahil sa naghain siya
ng sandamakmak na pampaswerte
kundi dahil TAMANG PANAHON na.
Kung hindi pa nangyayari,
then hindi pa yun ang time natin.
Hintay hintay lang.
Gawin lang ang nararapat.
Makakamit din natin iyon
in His perfect time.
AANHIN ANG TOROTOT AT IBA PANG PAMPAINGAY, KUNG WALA NAMAN TALAGANG ‘MALAS’?
(Photo from this Link)
Wala namang taong malas.
“Ano ka, lubog ako sa utang noh!”
“Natanggal ako sa trabaho.”
“Hina-hunting na ‘ko ng naniningil.”
“Nalugi business ko.”
“…hindi ba malas yan???”
Kapatid, hindi malas ang tawag diyan.
Nagkataon lang.
Baka may nagawa tayo o
hindi pa nagagawa para maiwasan ito.
- Maaring nalubog sa utang dahil unli swipe sa card.
- Natanggal sa trabaho dahil laging late o absent.
- Hinahanap ng naniningil dahil imbis na magpaliwanag, ay nagtatago pa.
- Nalugi ang business baka dahil hindi napag-aralan mabuti.
Try to consider the story behind it.
Once na alam na natin ang dahilan,
mas magiging maluwag sa atin na
tanggapin kung bakit ito nangyayari.
Mas mauunawaan din natin na
hindi pala malas ang tawag
kundi ARAL pala ang mapupulot.
“Ang ating kapalaran ay nakasalalay sa ating determinasyon, kasipagan,
at tiwala sa Maykapal.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang tradisyon n’yo ‘pag bagong taon?
- Bakit mo ito ginagawa?
- Umaasa ka lang ba dito o sinasabayan ng sipag at tiyaga?
=====================================================
HALF YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS
All books and Moneykit at 50% off til January 2 (12mn)
To avail this promo go to: http://bit.ly/2Cg7eeE
=====================================================
#IPONPAMORE: Hit your Financial Goal this 2018!
January 20, 2018
1:30-6:00 pm
Victory Greenhills Center, 4F VMall Shopping Center
P500 with FREE book
Register here: https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.