Kumusta na mga Ka-Iponaryo!
Maraming nangyari ng 2019 at marami rin tayong gustong magawa ngayong 2020.
Kaya naman simulan na nating isulat ang mga dapat nating baguhin at kailangan nating i-develop sa sarili natin para mas maging makabuluhan ang ating 2020.
Kailangan simulan natin sa ating
ISIPAN
Ano ba ang mindset mo sa bagong taon na ito?
Minsan sa dami ng mga pinagdaanan natin sa buhay, nakalilimutan nating we are still blessed.
Kaya naman isang hamon para sa ating lahat na panatilihing healthy ang ating isipan. Let us surround ourselves with positive people.
Iwasan na rin natin ang kapapanood ng mga hindi namang makabuluhang bagay at maaaring makasayang lang ng oras natin. Gamitin natin ang ating oras sa mas produktibong gawain.
Mahalaga rin na pinapahalagahan natin ang ating
SALITA
Puro reklamo na ba tayo sa buhay? Pakiramdam mo rin ba na parang wala namang nangyayari sa buhay?
Pakinggan din natin ang ating mga sinasabi. Meaning, magnilay din tayo sa mga sinasabi natin sa ibang mga tao. Baka naman puro paninira ang nasasabi mo.
Malamang marami tao na rin ang hindi na natutuwa sa naririnig nila. Kaya naman, gawin nating habit ang pagbabasa ng mga libro na may magagandang aral.
Higit sa lahat, mahalaga rin ang ating
GAWA
Kahit anong isip natin, plano natin, sabi natin, kung hindi naman tayo gagalaw o kikilos, balewala na rin ang ating mga new year’s resolution.
Hindi lamang tuwing January dapat natin ito gawin. Kailangan na maging consistent tayo para matupad ang pangarap natin. Tuloy-tuloy tayo hanggang makamit ang ating goal.
Kaya ikaw nasimulan mo na ba ang new year’s resolution mo?
“Taon-taon ginagawa natin ang New Year’s Resolution, Pero ang tanong, nagagawa ba ito o lagi lang nasa imahinasyon?”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga new year’s resolutions mo?
- Paano mo ito magagawa ngayong 2020?
- Sinu-sino ang mga inspirasyon mo parang matupad ang mga goals mo ngayong taon?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Piso Planner Promo is EXTENDED until Jan 15, 2020!
This is the best time to Grab your copies. Click here: http://bit.ly/34x6Lzh
For every purchase of CHINK+ PISO PLANNER, we will be giving a FREE copy of the following books:
DIARY OF A PULUBI
MY IPON DIARY
MY BADYET DIARY
MY UTANG-FREE DIARY
Instead of putting out P1,099 for the value of the Planner and 4 books, you only need to put out P499 + 100 Shipping Fee! Get your copies now!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.