Nagbabaon ka ba ng pagkain sa trabaho o eskwelahan?
Mas gusto mo bang araw-araw bumili kaysa magdala ng sariling pagkain?
Ang pagbili ng pagkain ba ang sanhi ng pagkaubos ng budget mo kung minsan?
“Magbabaon? Ayoko nga, nakakahiya.”
“Eh, baka kung ano sabihin ng iba.”
“Magmumukha naman akong kawawa ‘nun.”
Naalala ko tuloy noong nasa elementarya pa ako. Dahil walang allowance na maibigay sina Mama, nagbabaon ako ng maraming kanin at Ma-ling. (Take note, not Spam kasi can???t afford during those times).
At sa sobrang nipis ng pag-slice ng luncheon meat, kapag hinangin, pwede siyang liparin. Lol!
Kahit anong sabihin ng mga friends ko, okay lang sa akin.
Ang hirap kasing magpanggap na kaya mong bumili sa canteen kung wala ka naman talagang pera.
Okay lang na magmukhang baduy, huwag lang malipasan ng gutom.
Pero bakit kaya may mga taong kahit gipit na gipit na, pilit pa ring nakikipagsabayan sa mga ka-eskwela o ka-officemate na kumain sa labas imbis na magpakatotoo at magbaon?
This is based on my personal observation at wala akong pinatatamaan at kung may kahawig man ito sa mga pangyayari at mga personalidad, ito ay kathang-isip lamang.
Naging habit na ng karamihan sa atin na pagdating ng break time, lunch, or dinner, eh dinadala na tayo kaagad ng mga paa natin sa samu???t-saring kainan sa paligid ng opisina natin o eskwelahan.
Unang dahilan…
PRIDE
May mga taong ayaw ipakita na hindi nila afford at ayaw ipahalata sa iba na sila ay broke or nagtitipid.
Kahit halos wala nang matira sa sweldo o allowance, hala! Laban pa rin. Kain at order pa rin o walang humpay sa kaiinom ng mga milkteas at coffee.
In other words, hindi ba kayang lunukin ang pride, kaya hindi pa natatapos ang linggo, ubos na kaagad ang pera.
Kapatid, if you are pretending to be somebody you???re not, maniwala ka, ikaw rin ang mahihirapan in the long run. Mapipilitan kang manghiram sa iba para lang sumabay sa iba, mangangakong magbabayad kapag sumweldo ka na. Kaya pagdating ng sweldo, wala nang matitira. So, ano ang diskarte ulit? Utang na naman!
Friend, I think panahon na para magpakatotoo. Admit that you can???t afford. Wala namang nakakahiya dito. In fact, we should be proud because this simple trick will help us save and choose what we want to eat that are healthy and delicious based sa budget na kaya lang natin.
Never allow pride to settle in our hearts and minds. Labanan natin ito at matutong magpakumbaba.
Another reason is…
IT IS HARD TO SAY “NO”
Kapag sinabing:
“Uy, tara! ‘Dun tayo sa _______.”
“Tara, sige.” (Kahit walang pera.)
Kapag sinabing:
“Mahal ‘dun, pero masarap. Ano, game?”
“Oo ba!” (Kahit wala sa budget.)
Magpra-pray na lang na sana i-libre siya ng taong nagyaya.
O kaya, magpapanggap na naiwan ‘yung wallet at manghihiram ng pera sa mga kasama.
I know it is a cultural thing. Napakahirap tumanggi, lalo na sa mga taong gusto mong makasama. It is so easy to be tempted to say YES, kahit labag sa kalooban, because we think and feel na kapag hindi tayo sumama, baka pag-isipan tayo ng hindi maganda.
Pero friend, kailangan na nating gumising sa katotohanan.
Kung talagang walang-wala ka, kailangan mong sabihin na pass ka muna.
Hindi ka pwedeng pak na lang ng pak, pagkatapos ay broke na broke naman.
You just need to be honest enough to tell them???
“Friend, sorry. Nagtitipid ako eh, next time na lang.”
“Sama ako, pero dala ko baon ko ah?”
Maiintindihan nila ito and we can even serve as a good example to them as well. True friends will not force you to do something that will not benefit you…
Bottomline, sa hirap ng buhay ngayon, kailangan nating magpakatotoo at hindi magpaka-plastic. Ang plastic ay natutunaw din. We need to live truthful lives at maging practical.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nagbabaon ka ba?
Napre-pressure ka bang sumama kapag naimbitahan?
Ano ang dapat mong baguhin sa attitude mo para maisaayos ito?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.