May kinakatakutan ka ba sa buhay?
Takot ka bang hindi makabayad ng iyong kuryente, upa, tuition ng mga anak?
Takot ka bang mawalan ng pagkakakitaan?
O masulot ang iyong pinaghirapang benta?
One of the greatest fears that anyone can face is financial fear.
Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay nakakadama ng takot.
Lalo na kung hindi mo alam kung ano ang mangyayari.
Pero ang katotohanan?
NOTHING IS CERTAIN IN THIS LIFE.
(Photo from this Link)
Kung aasahan mo lang ang iyong negosyo, paano kung hindi kumita?
Kung sasandal ka lang sa iyong sweldo, paano kung ma-delay?
Kung aasahan mo ang pangako na may bibili sayo, paano kung magbago ang isip?
In other words, mahirap umasa sa di kayang asahan.
Kaya bakit hindi na lang di tayo umasa sa sigurado,
Yung hindi magbabago.
Yung hindi nagsisinungaling.
Yung hindi manloloko.
Yung hindi man lalamang.
Yung hindi ka iiwanan.
Meron pa bang ganoon?
Oo naman, yan ay walang iba kundi si Hesus.
Tanging si Hesus ang hindi magbabago at magmamaliw.
(Photo from this Link)
“Maniwala ka, mahirap umasa sa mga bagay na hindi maasahan.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- What are the fears that affect your financial life?
- How are you dealing with it?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.