Na reject ka na ba?
Inaalok mo yung produkto mo pero hindi sila interesado.
May maganda kang suggestion or opportunity para sa company ninyo pero bago pa lumipad, may bumabaril na.
May suggestion ka para sa pamilya mo, pero walang naniniwala.
Mga kapatid, if you’ve gone through many rejections, hindi ibig sabihin na failure ka at tapos na ang laban.
A “NO” DOESN’T MEAN THAT YOU CAN’T DO IT
May mga pagkakataon na hindi sumasang-ayon ang mga kasama natin sa mga suggestions or ideas natin pero tandaan mo na hindi porket negative ang reaction nila ay katumbas na iyon na hindi katanggap tanggap ang ideya mo or hindi mo kaya.
Kapag nag “NO” sila it sometimes only means that you do not share the same values, vision, and life purpose at the moment. Huwag mong kakalimutan na may potential kung ano man ang naiisip mo and it’s commendable that you use your time well to think out of the box.
Kung nag “NO” sila…
LOOK FOR PEOPLE WHO WILL SAY “YES”
Look for people who will support you no matter what it takes.
Sila yung right-minded people na naniniwala sa kakayahan mo to make something happen, whether it’s a new business venture, a new idea, or any suggestion that will create some change.
Sila din yung mga taong masaya sa kung ano ang gusto mong simulan o iparating dahil para sa kanila simple man ito o mahirap, alam nilang magagawa mo ito.
DON’T WAIT FOR OTHERS TO MOVE
Naku, kung hihintayin mo sila bago ka kumilos eh malamang ay mauubusan ka na ng oras at panahon hanggang sa ma-stuck ka na.
A determined person can work alone. Kaya kung kaya mo naman, gawin mong mag-isa at huwag iasa ang ikikilos mo sa iba. Being alone will take a lot of patience, hard work, pain, and/or challenges pero that’s how success works…you must be willing to pay the price first bago mo makamit ang goals mo.
REJECTION IS NOT A SIGN TO QUIT
There will be challenges along the way, that’s for sure. Meron din tayong mga bagay na kailangan i-improve or i-develop yung ating mga “weaknesses” para mas maging malawak yung kaalaman natin sa isang bagay.
When these things happen, DON’T QUIT! Normal lang na makadanas tayo nito to become better at what we want and not to pull us away from our dreams.
Quitting must never be an option. Isipin mo parati yung mga bagay na mawawala kapag bumitaw ka sa kalagitnaan.
“Kapag nag quit ako, mawawalan ako ng trabaho at pagkakakitaan”
“Kapag nag quit ako sa pag aaral, paano yung future ko?”
“Kapag nag quit ako sa relationship, paano kung ako pala yung maging inspirasyon niya para magbago?”
YOU DESERVE TO SUCCEED
Ang bawat idea at talento ng tao ay dapat binibigyan ng chance para madinig at makita ng iba and be treated with utmost respect dahil kahit pa ano ito, ito yung way mo to succeed in life.
Huwag mong iisipin na may mga bagay na hindi ka deserving na makuha lalo na kung maganda naman ang iyong intensyon at wala kang tinatapakan na tao.
THINK. REFLECT. REPLY.
Ano yung mga ideas mo na hindi mo ipinagpatuloy?
Anong dahilan kung bakit ka tumigil?
Determinado ka na bang ipakita yung natatangi mong kakayahan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can find more of these related posts here:
- Bakit Mahirap Pigilan ang mga Taong Determinado
- What Can We Learn From The Great Muhammad Ali?
- Bakit May Mga Taong Mabilis Sumuko?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.