Napatawad ko na siya, pero bakit sa tuwing nakikita ko siya, may kirot pa rin sa puso ko?
From what I’ve learned in life, the mind cannot forget what the heart remembers.
HIndi palaging nagtutugma ang kabig ng bibig sa sinasabi ng puso.
Paano mo malalaman kung ang puso natin ay punong-puno ng poot at galit?
Tayo-tayo ang nagsisiraan.
Tayo-tayo ang naghahatakan pababa.
Tayo-tayo ang nagkakasakitan.
Tayo-tayo ang nag-aaway.
Tayo-tayo ang nag-iinggitan.
Tayo-tayo ang nagpapatayan.
Nakakalungkot mang isipin at tanggapin, pero ganyan ang isang tao na nabubuhay sa galit.
Kahit i-deny pa natin na hindi tayo galit, pero kung ito naman ang nararamdaman natin, we are just fooling ourselves.
Kung titingnan natin, common ang mga ganitong scenario.
Mga away sa pamilya, sa opisina, sa angkan, sa eskwelahan, sa kapitbahay, sa mga kaibigan na hindi nauubos, hindi natatapos, at hindi nare-resolve.
Kung hindi man natin kayang ibigin ang lahat, sa ngalan ng Diyos, sana naman ay tigilan na natin ang away.
I hope you agree with me when I say na mahirap mabuhay ng may kaaway o kagalit.
But how can we resolve our conflicts?
Here are some practical tips you might want to try:
SWALLOW YOUR PRIDE.
Ito ang unang-una na dapat nating gawin. Huwag na nating hintayin na maunang lumapit sa atin ang kagalit natin, tayo na ang magpakumbaba. Remember, God opposes the proud and gives grace to the humble.
SAY SORRY.
Ito ang isa sa mga pinakamahirap sabihin na mga salita. Pero ang mga salitang ito ang magpapalaya sa atin at magpapagaan sa ating buhay. Naka-offend man tayo o hindi, it is still good to apologize.
CONFRONT THE PERSON DIRECTLY.
Huwag tayong makinig sa sabi-sabi ng iba. Go directly to the person you’re in conflict with. Talk to him/her.
Pwede mo namang sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman mo about the conflict, but make sure you do so in a peaceful manner.
Walang sigalot ang hindi naaayos sa mapayapang usapan.
Kaya nga, naantig ako sa sinabi ng ating Pangulong Duterte:
“Let me make this appeal to you: If we cannot, as yet, love one another, then in God’s name, let us not hate each other too much.”
Nais ng ating Pangulo na makipag-ayos sa mga rebelde.
Ayon sa kanya, bukas daw ang loob niya para sa negosasyon at usaping pangkapayapaan.
Mainam sana kung ganoon din ang gawin natin.
Let us open our hearts to reconciliation. This is the best choice that we can make.
THINK. REFLECT. APPLY.
Meron ba kayong mga kaaway o kagalit ngayon?
Ano ang mga nagawa mo para maayos ang mga conflicts na meron ka?
What stops you from loving others?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check on these related posts:
- DO YOU WANT TO DO GOD’S WILL IN YOUR LIFE?
- What Kids Can Teach Us About Love, Honor, And Respect
- Why Is There So Much Hate In This World?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.