Single Blog

Anong Nakikita Mo?

LIFE IS ALL ABOUT PERSPECTIVE

Anong nakikita mo?
Problema o solusyon?
Opportunity o rejection?
Positive o negative?

How we see things matters.

Sa dami ng nakikita natin, sa dami ng battles na nilalabanan natin, sa dami ng distractions sa paligid natin, sa dami ng rejection, discouragement, and failure na nararanasan natin araw-araw, having the right perspective will give us the energy to move on and reach our goals.

We should not focus on the ‘negatives’, but on the ‘positives’. Sa halip na magmukmok at magmaktol dahil sa bigat ng problema natin, tumayo tayo and focus all our energy on the solution. Huwag nating sayangin at ubusin ang panahon at lakas natin sa kaka-worry sa ating mga problema.

Allow me to share a story…

May dalawang ahente ng sapatos ang nagpunta sa bundok para magbenta ng kanilang mga produkto. Nang makarating na sila sa tribo, nakita nila na ang mga tao doon ay naka-paa lang. Tumawag ang unang ahente sa boss nya at ito ang kanyang sinabi:

“Boss! May problema po tayo! Hindi po sila nagsa-sapatos, lahat po sila ay naka-paa.”

Dali-dali ring tumawag ang pangalawang ahente sa kanyang boss, excited at masayang-masaya. Ito naman ang sinabi nya:

“Boss! Good news! Lahat po sila, walang sapatos! Makakarami po tayo ng benta dito.”

Sino sa tingin mo ang mas magaling sa kanila? Sino sa kanila ang mas makakabenta? Sino sa tingin mo ang magtatagumpay? Pareho ng sitwasyon, pareho ng pagsubok, pero magkaiba ng perspective.

What matters is how you look and respond to your problem.
Change your mindset and change your perspective.
It???s the key to not just a successful and fulfilled life, but a joyful one as well.

Totoong may mga problema at pagsubok that is beyond our control, pero a lot of our problems are either consequences of our wrong choices or just to test our character. Ngunit para sa mga problema na hindi na kaya ng ating karunungan at kakayanan, atin itong ipagkatiwala sa Diyos. Just do your best and God will do the rest.

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong nakikita mo?
Anong pinag-dadaanan mo ngayon?
Paano mo ito tinatanggap?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link