Na-experience mo na ba ito?
Ikaw ang birthday celebrant at noong dumating ang mga bisita mo, imbis na ikaw ang bigyan ng pansin,
ang mga bisita mo ang nag-uusap at hindi ka man lang binibigyan ng oras na makasama at makausap.
“Ugggghhhh, aray! Ang sakit nun!”
Kadalasan, yan eksakto ang nangyayari sa pasko. Siine-celebrate natin ang Pasko, ngunit nakakaligtaan na natin ang diwa na Pasko – kung sino ang celebrant.
Masyado na kasing nagiging commercialized ang pasko. Shopping dito, shopping doon. Christmas sale dito, Christmas sale doon. Party dito, party doon. Exchange gift dito, exchange gift doon. Hala, kung ano ano na ang naglilitawan na mga activities pero ang tunay na dahilan kung bakit nag-se-celebrate ng pasko ay nakaligtaan na!
Pero ano nga ba ang real reason for the Christmas season?
JESUS CHRIST
Yung iba sa atin pag nag-greet ay ganito: Merry X-mas!
Ha? X-mas? Yung dahilan kung bakit may pasko ay binabalewala na. Di maisulat ng buo ang salitang CHRISTmas.
E kung may magbigay kaya sayo ng cake or ng balloon or kahit anong gift sa birthday mo tapos ang nakalagay dun ay, “Happy Birthday X!!!!” anong mararamdaman mo? Maglululundag ka ba sa tuwa? Iiyak sa tuwa? Matutulala sa tuwa? Hindi, diba? Maiinis ka. Magtatampo ka. Mao-offend ka.
Kaya sa darating na Christmas, huwag mo naman sana balewalain ang celebrant. Siya dapat ang bida. Hindi yung mga mamahaling gifts na binili mo para sa pamilya mo, o yung mga pagkain na nakahain sa hapag kainan niyo, o yung mga bagong gamit na binili mo, o yung mga parties na a-attendan mo, o yung mga regalong matatanggap mo. Oo, masaya ang mag party o makatanggap ng regalo. Pero lahat yun ay walang kwenta kung ise-set aside natin si Jesus Christ na Siyang ultimate reason kung bakit may pasko.
Remember,
IT IS NOT ABOUT THE PRESENTS BUT IT IS ALL ABOUT HIS PRESENCE
Walang katumbas na halaga o regalo ang presensya ng Panginoon. In this season, dapat Siya lang sapat na. Yes, we can give gifts to people para ma-feel nila ang presence Niya. Yes, we can attend parties para ma-enjoy natin together ang celebration ng Christmas. Pero those things should not be our main goal for this season, or in any other season. Dapat ang goal natin is to let people know that the reason we want them to feel His presence is because we want them to know who Jesus Christ is.
And who is He?
Siya ang reason kung bakit abot kamay na natin ang greatest gift: eternal life with God.
By God’s grace, through faith, we are saved, which is a gift from God. And Christmas is a yearly reminder of this fact. We celebrate because the ultimate sacrifice was born, died, and rose again, for us.
At yan ang tunay na diwa ng pasko. Ang ipaalala sa bawat isa that it is finished, na sa pamamagitan ni Jesus Christ, we are all victorious.
Merry CHRISTmas.
THINK. REFLECT. APPLY.
Christmas isn’t about presents, but about His presence because the real reason for this season is none other than Jesus Christ.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you excited to have a merry CHRISTmas? You can also check on these related topics on celebrating Christmas:
- HOW DO YOU CELEBRATE YOUR CHRISTMAS EVE?
- Paano Magiging Kakaiba Ang Christmas Party Ngayong Taon?
- KAMUSTA ANG IYONG PASKO, NATANGGAP MO BA ANG IYONG GUSTO?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.