Have you ever encountered people na kahit anong payo mo, kahit anong pangaral mo, kahit ano ang sabihin mo, deadma pa rin?
Umabot ka na ba sa point na tuwing maaalala mo ang taong ito, naiinis, nafru-frustrate, at nagagalit ka lang!
May mga tao talaga na likhang matigas ang ulo, na kahit sila naman mismo ang humingi ng payo ay dine-deadma ka pa din. Kasi one track minded na sila, humahanap lang sila talaga ng kakampi. Kung may sabihin ka na kontra sa kagustuhan nila, sumasama ang loob once na di nila magustuhan ang payo na ibinigay mo.
Ang gulo, diba? Nakakahilo. Napapatanong ka tuloy, “ano ba ang gagawin ko sa mga taong matigas ang ulo pag dating sa paghingi o pagtanggap ng payo?”
Una…
KNOW YOUR LIMITATIONS
Yes, nilapitan ka niya. Siya mismo ang nagkusang humingi ng payo sayo. Kaya nanggagalaiti ka na noong dinedma niya lang ang sinabi mo sa kanya!
Pero kalma ka lang. Alam mo dapat ang limitations mo when giving advice. People may need your wisdom, but people don’t need and want to be pushed sa kung ano ang magiging desisyon nila. Choice pa din nila if susundin nila ang payo mo or hindi.
Kung may mga taong nanghihingi sa iyo ng payo, consider it as a service. Do your best para makatulong sa taong nangangailangan ng payo mo. Pero remember that wala kang kontrol sa kung ano ang gagawin nya sa advice mo. Ang mahalaga ay ang gawin mo ang part mo.
LET THEM LEARN FROM THEIR MISTAKES
Minsan kailangan mong hayaan silang matuto sila sa sariling nilang pagkakamali. Kahit anong advice ang ibigay mo, minsan buo na ang kanilang pasiya. Sometimes when people seek advice, they are actually just looking for someone to agree with them.
At kapag naman siya ay nagkamali, siguro naman ay kahit anong tigas ng ulo ng taong kausap mo, makikinig na siya sa payo mo.
Reminder lang: Huwag lang natin sila sisihin sa kanilang pagkakamali. Instead ay saluhin natin sila kung sila ay muling humingi ng payo o tulong.
PRAY FOR THEM
Kapag dumadating ka na sa punto na napupuno ka na dahil sa katigasan ng ulo ng taong nanghihingi ng advice sa iyo, stop. Huwag mong hayaan na maapektuhan ka negatively.
Instead ay mag-spend ka ng time to pray for them. Include them in your daily communication with God. Present to God yung mga burdens na dinadala nila. Isuko mo kay God ang mga taong uhaw sa payo kasi hindi naman ikaw ang magbibigay ng advice. Literally, ikaw. Ikaw kasi yung haharap, ikaw yung kakausap. Pero yung wisdom hindi mo pwedeng angkinin yun. Si God lang ang may kakayahan na magbigay sa iyo ng wisdom what to say to that person. So pray.
Para sa mga taong matitigas ang ulo, kailangan mong i-lay ang foundation sa kanila. Kailangan alam nila that you want a clean slate before you give any advice para di sayang ang oras ninyong pareho. And know your limit. You can give all the advices you want. But at the end of the day, wala sa mga kamay mo kung ano ang magiging desisyon ng taong nanghingi ng payo sa iyo. Also, you have to let them learn from their mistakes. Napaso na yan at for sure ay ayaw na niya umulit pa. And last but definitely not the least, pray for them. They need it more than anything else.
THINK. REFLECT. APPLY.
May mga tao ka na bang nabigyan ng payo pero hindi pa rin nakikinig?
Ano ang naging reaksyon mo?
Nagpaapekto ka ba o hindi?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check these related topics on being a blessing to others:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.