Single Blog

Ano ang Gagawin Ko Kung Nanlalamig ng ang Aming Pagsasamahan?

Huwag Mong Hintayin na Mamatay ang Pagmamahalan Bago ka Gumawa ng Paraan

Pakiramdam mo ba ay nanlalamig na ang samahan niyo ng asawa mo?
Hindi na ba katulad ng dati ang inyong samahan?

Gusto mo bang bumalik ang dati, kung saan ay masaya kayong mag asawa?

Ang marriage ay may iba’t ibang season o panahon. Normal lang yun, pero di mo kailangan pabayaan na nanlalamig na ang inyong samahan. The good news is may magagawa para ma-improve ang situation ng inyong buhay mag-asawa.

Ang first step na pwede mong gawin para sa ika-ka-ganda ng samahan ninyo ay:

MAKE A CHECKLIST
Gumawa ka ng checklist ng mga bagay na naiisip mong pwede mong gawin para bumalik ang ganda ng inyong samahan. Maglista ka ng 30 na bagay na pwede mong gawin; hindi naman kailangan na engrande at bonggang-bongga ang mga gestures na gagawin mo. Simpleng bagay lang like doing the laundry or cooking your spouse’s favorite food; giving her a day-off para magpa spa; or complimenting your spouse.

Pag nakumpleto mo na ang listahan ay pumunta ka na sa next step:

TAKE ACTION
For the next 30 days, do something for your spouse. Dun sa 30 things na nailista mo, pumili ka lang ng isa per day or one per week. Mag-focus ka lang sa isa para di kayo parehong ma-overwhelm.

Huwag mong isipin kung ano ang magiging response niya. Your part is to do something for your spouse. Don’t expect anything in return kasi ang love mo sa spouse mo ay dapat unconditional.

Hindi mo pwedeng sabihin na gagawin mo lang yung mga nilista mo KUNG may gagawin din siya. Alisin mo sa isip mo na dapat ikaw ang i-please and offer your spouse the unconditional love he or she needs.

Then the last step is to:

REPEAT
Repeat the cycle. Maglista ka ulit ng 30 things. Do those 30 things again and again. Huwag kang mag-sasawa. Then ulit-ulitin mo lang.

Believe me, your spouse will feel the love na ipinapadama mo and even without expecting anything in return. Tiyagaan lang, masusuklian din yang effort mo.

Rely on God because only He can give you and your spouse the grace that you both need when it comes to handling your marriage in any season you’re in.

THINK. REFLECT. APPLY.

Kung nanlalamig na ang samahan niyo ng asawa mo, think of 30 things you can do for him or her.
Then for the next 30 days, do one simple thing for your spouse.
Then repeat the cycle.

Comments (0)

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link