Shopping galore ba ang peg mo kapag payday?
Maluwag ba ang kapit mo sa pera kaya mabilis rin itobg mawala?
Nahihirapan ka bang magtipid dahil overwhelmed ka sa mga nakapalibot na sale, promo, discount, at masasarap na pagkain?
Wala ka na bang na ipon?
Sweldo = Gastos
Payday = Shopping
Kinsenas = One-Day Millionaire
Looks familiar?
Pero ang tunay na mayaman, marunong magtipid.
Alam mo ba na si Mark Zuckerberg, ang may-ari ng Facebook, ay hindi mahilig bumili ng mga damit? Simple lang siya kung manamit, naka-shirt lang. Kumakain rin siya sa fastfood, then until now.
Kahit sobrang dami ng kanyang pera, marunong pa rin siyang magtipid.
Paano ba magtipid ang tunay na mayaman?
THEY ARE MINDFUL OF SMALL SPENDINGS.
Ang tunay na mayaman, hindi sila padalos-dalos pagdating sa paggastos. Ultimo ‘yung mga akala natin o kinokonsider na ‘paminsan-minsan’, ‘mura’, o ‘good buy’, tinatalikuran nila – lalo na kapag hindi naman kailangan.
Halimbawa:
“Mura lang naman ang bili ko dito, eh.”
“P115.00 lang ‘yung kape. ‘Di masakit sa bulsa.”
Kung gusto natin maging tunay na mayaman, dapat alam natin na sa bawat maliliit na gastos, kung susumahin, malaking pera na rin ang nawawala sa atin.
THEY THINK ALWAYS OF THE FUTURE.
Oo, madaling gumastos, madaling bumili kapag nasa harapan natin ang mga gusto nating bilhin. But with this cycle, we’re just enjoying the PRESENT – nganga naman pagdating sa FUTURE.
This is what rich people are trying to teach us. Ang focus natin dapat, nasa future – how we can be:
- Financially-secured.
- Debt-free.
- Live the life that we deserve when we retire.
Sabi nga: “You can be young without money, but you can’t be old without it.”– Tennessee Williams
And this would only be possible kung ngayon pa lang, marunong na tayong magtipid at mag-ipon.
HINDI SILA PA-IMPRESS.
“Wow, ang ganda naman ng damit mo!”
“Grabe, ang yaman mo talaga!”
“Meron kang iPhone 7? OMG! Ikaw na!”
Masarap nga pakinggan…
…masakit naman sa bulsa.
“Eh may pera naman ako, ah?.”
Oo, may pera nga. Kaso, ang masama dito, we usually buy to impress. ‘Yung bumibili lang just to showcase or to prove to others and to ourselves that we can afford whatever we want.
In short, since gusto natin ng atensyon, tuloy-tuloy din ang gastos.
Ang tunay na mayaman, hindi kailangan magpakitang-tao. Instead, they are just silent, humble, and working on something ng patago to reach their goals. In other words, they are secure.
THEY SAVE BEFORE THEY SPEND.
Correct me if I’m wrong, pero this is what I have observed:
Salary – Expenses = Savings
Gumagastos muna tayo at kung anong matira, ‘yun ang ipon. Eh matanong ko sa inyo, what if walang natira? What if naubos lahat dahil nagamit na? Ibig bang sabihin nito, wala na rin tayong ipon?
Rich people do the other way around. This is there money saving challenge…
Salary – Savings = Expenses
Sine-set muna dapat natin ang amount na gusto nating itabi at kung anong matira, tayo ang mag-adjust at matutong mamaluktot. Mastering this technique will allow us to consistently save and make our money grow.
If we also acquire this saving habit, sigurado ako na payaman ka na – kung hindi man ngayon, BUKAS AT SA HINAHARAP. Keep it mind that saving makes money.
THINK. REFLECT. APPLY.
Napapagastos ka ba tuwing sahod?
Ano ang kadalasang kumakain sa pera mo?
How can you prioritize savings first before anything else?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check on these related posts:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.