Single Blog

Ang Tunay Na Matagumpay Ay Marunong Magtiis, Magtiyaga, At Maghintay

kung gusto natin maging matagumpay matutong magtiis magtiyaga at maghintay

May kakilala ba kayong mainipin at walang tiyaga?

  • One week pa lang nag-aapply ng trabaho, gusto nang matanggap AGAD-AGAD.
  • Two years pa lang sa trabaho, kating-kati nang ma-promote.
  • Nagkamali lang minsan, ayaw nang sumubok uli.
  • Napagsabihan lang sa trabaho, gusto na kaagad mag-resign.
  • Kaunting delay lang, sinusukuan na agad.
  • Kapag hindi nakukuha agad ang gusto, naiinis, nade-depress, at nagagalit sa mundo.

Sa panahon ngayon, ang gusto ng karamihan ay mabilisang resulta. Nahihirapan silang maghintay at kung minsan, meron pang mentality ng self-entitlement. Kaya ang madalas nilang iniisip ay, “Deserve ko ito, dapat ibinigay ito sa akin kaagad. It???s not fair!”

We have to remember that success just doesn???t happen overnight. Meron itong process, journey, at challenges along the way, which we need to get through bago natin makamit ang gusto natin.

Ang tunay na mayayaman, willing pagdaanan ang lahat ng hirap dahil doon nila napupulot ang mga aral na dapat matutunan to improve themselves, their talents, and their crafts. Ganoon rin dapat tayo.

Alam niyo ba na si Richard Yap, ‘yung ka look-alike ko, otherwise known as Sir Chief, only became a famous at the age of 40?

His success is a true phenomenon. When asked by The Sunday Times Magazine what he believed matters the most on making it in show business, Richard Yap said:

“First of all, I would like to say that everything is based on hardwork. If you have the talent, but you don???t want to work for [success] it, wala rin??? You have to have a little of everything and you should be willing to work for something.”
(Source: http://www.manilatimes.net/richard-yap-showbizs-late-bloomer/44147/)

Kaya mga kapatid, huwag kang magmamadali at huwag mong pilitin kung hindi pa dumadating ang inaasam mong tagumpay para sa iyo.
Kung maiinip ka lang, maiinis ka lang.
Kung feeling mo na unfair ito, madi-disappoint ka lang.

Hataw-hataw lang, kahit wala pang resulta.
Tiis-tiis lang, kahit napakahirap.
Push lang nang push, kahit pagod ka na.

Kung susukuan natin ito kaagad, walang mangyayari – lagi tayong babalik sa square one.

THINK. REFLECT. APPLY.

Bakit ka mainipin at walang tiyaga?
Ano ba ang pinakahihintay mo na nahihirapan kang patagalin pa?
Anong pwede mong baguhin para maalis mo ang pagiging impatient mo and instead, for you to cherish the moment?

Comments (0)

© Copyright 2016 - Team Chink Positive - All Rights Reserved Designed By LGA
GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link